KABAYANIHAN NG MGA SUNDALONG PINOY TULARAN

SA paggunita ng ika-80 Araw ng Kagitingan araw ng Sabado,hinikayat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang publiko na gayahin ang kabayanihan ng mga sundalo na nakipaglaban sa mga Hapon noong World War II.

Ayon kay Lorenzana, dapat isapuso ng bawat Pilipino ang ipinaglaban ng mga beterano.

Dapat aniyang patuloy na mag-alab sa puso ng mga susunod na henerasyon ang kabayanihan ng mga beterano ng digmaan.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.

Hindi naman nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte at si Justice Secretary Menardo Guevarra na lamang ang kanyang naging kinatawan sa pagdiriwang.