KABAYANIHAN SA DIGMAAN

Marawi hero: Ranger Capt. Rommel ‘Daredevil’ Sandoval

 

“I’VE seen and heard heroic deeds in my years, many had no choice but to fight because they were cornered. Rommel had a choice”.

Malungkot ngunit ipinag­mamalaking pahayag ni Lt. Col. Jose Luntok, 4th Scout Ranger Battalion Commander, para sa eulogy sa kanyang tauhang si Ranger Captain Rommel “Dare­devil” Sandoval, ang ika-41 Medal of Valor awardee sa hanay ng Armed Forces of the Philip­pines (AFP) nang iburol ito sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang 38-anyos na si Capt. Sandoval, pinuno ng 11th Scout Ranger Company ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Sanlingan Class 2005, ang elite military school na pu­manday sa tapang at kabayanihan ng Marawi hero.

Maagang napasabak sa mga peligrosong misyon ang batang junior officer at maaga ring ki­nakitaan ng kakaibang tapang at diskarte bilang isang tunay na pi­nuno ng grupong musang.

SUPREME SACRIFICE…. ANG MAMATAY NANG DAHIL SA IYO

For offering “the greatest sacrifice of giving his life to a fellow comrade,” an Army Scout Ranger was posthumously con­ferred the prestigious Medal of Valor.

Maraming kawal ang nagpa­kita ng kabayanihan kahit hindi sa oras ng digmaan, sila ang mga rumeresponde sa panahon ng ka-lamidad.

Subalit sa panahon ng dig­maan at aktuwal na labanan, “boys are separated from the real man, dito lumilitaw kung sino talaga ang matapang at sino ang may dugong bayani na handang magbuwis ng buhay para sa kasa­ma at para sa bayan.”

Gaya ni Sandoval, miyem­bro ng Scout Ranger Class 165, ang pinakamataas na opisyal ng AFP at kauna-unahang nasawi na ranger sa pakikidigma laban sa ISIS-influenced Maute Terror group sa Marawi City nang ita-kip nito ang katawan sa tauhang pinauulanan ng bala.

“Walang iwanan”

Ito ang laging sigaw ni San­doval, commander ng 11th Scout Ranger Company sa kanyang mga tauhan bilang pagtataas sa morale at pagtiyak na masasan­dalan ng bawat scout ranger ang kanilang mga kasama, habang araw- araw silang nakikipaglaban kay kamatayan.

D-DAY (Launching of Operation)

Mayo 23, 2017 nang pu­mutok ang Marawi City siege, agad na minobilisa ng AFP ang lahat ng kanilang elite unit kabi­lang ang Philippine Army Scout Ranger Regiments para panguna­han ang pagsabak laban sa Maute Terror group na may koneksiyon sa Abu Sayyaf Group at Islamic State of Iraq and Syria (Levant) na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon.

Sa ganitong uri ng giyera, tanging mga elite forces lamang gaya ng Scout Rangers ang naaata­sang unang mag-jump-off para sa mga peligrosong objectives kasa­ma ang grupo ni Sandoval.

“I had six companies under me, he (Sandoval) was the ace of the battalion, all hard objectives, I gave to him, he planned, he led. He was the most dependable, the voice of reason. He had the ability to think through difficult situations,” ayon kay Luntok,

DEAD END

Malinaw pa sa alaala ng kanyang mga kasamahan na bago ang malagim na araw ng Setyembre 10, 2017, buwan ng Agosto ay na-pin down ang grupo ni Sandoval ng mga kala­ban.

Nakaambang maubos ang mga tauhan ni Sandoval dahil sa rami ng mga terorista at iniutos nito na mag-retreat pansamantala gamit ang armored personnel car­rier habang nagmamaniobra at binibigyan ng fire cover ang mga nagre-reposition na tauhan hang­gang sa makaligtas ang lahat para sa muling pagsalakay.

KALIGTASAN NI SANDOVAL NAGDULOT NG PANGAMBA

Sa Facebook page ng Philip­pine Army Scout Ranger, naka-post ang pag-amin ni AFP Chief of staff Lt. Gen. Carlito Gal­vez III, noon ay pinuno ng Eastern Mindanao Command, na siya mis­mo ay nag-alala sa ka­ligtasan ni Rommel na isa sa paborito niyang estudyante sa PMA.

Naalala ni Galvez kung paano nito naatasang manguna sa pag-assault sa insiden­te sa isang bangko na napagwa­gian naman nito.

Matin – ding kalung­kutan ang naramdaman ni Galvez nang mala­man ang sinapit ng dati niyang mag-aaral.

“I make a report every night for Pres­i ­dent Duterte. That night, when I had to report Sandoval’s death, I couldn’t control my tears.”

Naalala pa ni Galvez na sa tuwing magkikita sila ni Rommel ay sinasaluduhan siya nito at isang direct order ang kaniyang ibinibigay… stay alive.

CANDIDATE FOR MEDAL OF VALOR

Naigawad kay Sandoval ang medal of valor at ito ay idinaan sa proseso kagaya ng deliberation at ang mga first­hand information mula sa sa­laysay ng mga tauhan nito na actual na kasama sa mission.

Kabilang sa mga sa­laysay ay ang aktuwal na monitoring ni Sandoval sa kanyang mga tauhan at kung paano ito nagbibigay ng or­der.

At ang pinaka sa lahat ay nang ipain ni Sandoval ang sarili para sa kanyang tauhan.

GREAT COURAGE

“His great courage went above and beyond the call of duty. He was a leader so devoted to his work. He never gave orders from the rear. He always prioritized the welfare of his men,” papuri naman ni BGen. Rene Glen Paje, Commander ng First Scout Ranger Regiment kay San­doval.

“That Choice”

Palaisi­pan naman kay Mrs. Ani Sandoval ang “choice” o ginawa ng mister.

“Did he not think of me when he made that choice? Why did this happened? Dalawa na lang nga kami (It’s just the two of us.) Why him? He was such a good person,” ayon kay Ani.

40 AWARDEES

Sa kasalukuyan, mayroong 40 awardees ng Medal of Valor ang pinakahuli ay si Pfc Ian Paquit, na namatay sa City siege noong 2013.

Sinabi naman ni Ret. Gen. Joselito Kakilala, dating pinuno ng Civil Relations Service ng AFP na hindi na dapat pang ipagdamot ang Medal of Valor Award.

“Ang heroic acts ng ating sundalo risking their lives regu­larly transpire. There were lots of mission that called for a valor act, which is beyond the call of duty to accomplish it. But only few soldiers demonstrated such feat.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.