(Kabilang ang 29 na buntis at 4 na sanggol) 340 OFWs DUMATING MULA QATAR

Doha Qatar

MAY panibagong 340 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa mula sa Doha, Qatar.

Ito na ang ikaapat na charterted flight para matulungang makauwi ang mga nasabing OFW kabilang ang 29 na buntis at 4 na sanggol na lulan ng Philipine Airlines (PAL).

Inihatid pa ng mga opisyal at personnel ng embahanda sa Qatar ang  naturang OFWs patungong airport hanggang sa makapag check-in ang mga ito.

Sa kabila ng ipinaiiral na inbound travel restrictions, nagkaroon pa rin ng chartered flight makaraang makipag-ugnayan ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa kinauukulang ahensiya sa Qatar kabilang na ang Supreme Committee for Crisis Management, Ministry of Foreign Affairs,  Ministry of Interior,  Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs,  Qatar Civil Aviation Authority, Hamad International Airport, at Qatar Airways.

Gayunpaman, hindi rin umano ito magiging matagumpay kung walang suporta mula sa Department of Foreign Affairs (DFA),Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at iba pang kumpanya gaya ng  PAL.

Ang Embassy at POLO ay patuloy na nagbibigay tulong sa mga nagnanais na mai-repatriate bunsod ng patuloy na problema sa Covid-19 pandemic.LIZA SORIANO

Comments are closed.