(Kabilang din ang ilang kongresita at artista) ILANG MEDIA KASAMA SA HIGH VALUE TARGET

Director Aaron Aquino

IBINULGAR ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na mayroon ding media member, artista, kongresista at politiko na kabilang sa kanilang high value targets.

Aniya, ang pagtukoy sa mga nasabing personalidad ay bahagi ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga ang ilang taga-media, artista, kongresista at ilang politiko.

Mistulang nalungkot din si Aquino nang aminin nito na ang ilang malalaking pa­ngalan sa tri-media industry ang nagsisilbing protektor sa high value targets.

Ilang opisyal din ng PDEA, Philippine National Police (PNP) at militar ang sangkot din sa operasyon ng ilegal na droga.

Pahayag ni Aquino na nasa mahigit 12 katao ang kabilang sa listahan ng high value target na ang ilan ay local chief executives. DWIZ882AM

2 thoughts on “(Kabilang din ang ilang kongresita at artista) ILANG MEDIA KASAMA SA HIGH VALUE TARGET”

Comments are closed.