(Kabilang sa 13 sangkot sa 2013 Agaw-Bato sa Pampanga) 3 ‘NINJA COPS’ DISMISSED NA SA PNP 

Archie Gamboa

CAMP CRAME – TULUYAN nang sinibak sa serbisyo ni PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa ang tatlo sa apat na ninja cops na kabilang din sa 13 pulis  na sangkot sa maanomalyang drug operation sa Pampanga noong 2013 at maanomalya ring drug operation sa Antipolo noong May 2019.

Kinilala ang tatlong sinibak na sina Police Master Sergeant Donald Roque, Police Master Sergeant Rommel Vital at Police Corporal Romero Encarnacion Guerrero Jr.

Ibinalik naman sa PNP Internal Affairs Service (IAS) ang kaso ni Police Lt Joven De Guzman dahil sa less offense lamang ang ipinataw rito at binigyan ng parusang 59 days suspension.

Ayon kay Gamboa,  pito ang nasangkot sa maanomalyang drug raid sa Antipolo noong May 2018 pero sa pitong ito, apat ang sangkot din sa maanomalyang drug operation sa Pampanga 2013 kung saan isinasangkot ang bumaba sa puwestong si PNP Chief Oscar Albayalde.

Tatlo sa pito ay sinibak na rin sa serbisyo ni Gamboa.

Maaari namang maghain ng motion for reconsidenration sa office of the chief PNP ang mga sinibak sa serbisyo. REA SARMIENTO

Comments are closed.