NAGLAAN ang pamahalaan ng P62 bilyon para bumili ng karagdagang 32 pang Polish-made S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters para sa Philippine Air Force (PAF) at anim na offshore patrol vessels (OPVs) para naman sa Philippine Navy (PN).
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa status ng AFP modernization program sa isinagawang change of command para sa bagong Chief of Air Force .
“Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units ‘Black Hawk’ helicopters- PHP32 billion and six units of OPV -PHP30 billion,” anang kalihim.
Nabatid na target ng pamahalaan na bumili ng anim na OPV sa Austal (the Australian defense manufacturer and shipbuilder) habang ang Black Hawk’ naman ay bibilhin sa PZL Mielec, Poland.
Subalit,nilinaw ng kalihim na walang pang nalalagdaang kontrata para sa panibagong military assets dahil nagpapatuloy pa rin ang negosasyon para sa mga ito.
“No contract yet. Still under negotiation,” ayon sa kalihim.
Una rito, inihayag na ni Lorenzana na ang Austal ang napili para pagkunan ng anim na OPV’s na may shipyard sa Balamban Cebu ay nanatiling kabilang sa mga pinagpipilian para sa asset ng PN.
“Ang nasa forefront ng (At the forefront of the) procurement is the Australian (shipbuilder) Austal which is in (Balamban), Cebu. Meron silang branch na gumagawa din ng barko so kung matuloy yun maganda rin yan sa ekonomiya dahil maraming makikinabang na mga Pilipino,” giit ni Lorenzana.
Umaasa si Lorenzana na mapipirmahan nila ang kontrata bago tuluyang matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Ang OPV project ay inaasahang ipapalit sa World War II surface assets na decommissioned na ng Navy.
Inaasahang agad na isusunod ng DND matapos ang OPVs project ang procurement para sa dalawang modern corvettes, maliit na surface combatant na may kakayahang humarap sa mga submarines at iba pang naval vessels.
Matatandaan, kamakailan lang ay nakumpleto na ng PAF ang unang fleet ng “Black Hawk” helicopters na binubuo ng 16 na Polish company made PZL Mielec na nagkakahalaga ng US$241 million o P11.5 billion. VERLIN RUIZ