ISANG high ranking Armed Forces of the Philippines officer ang kabilang sa mga naging biktima ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard gamit ang kanilang mounted water cannon nang tangkain nilang pigilan ang isa sa dalawang private resupply boat na ginamit para sa panibagong Resupply mission ng Philippine Navy para sa mga sundalong naka detail sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kinumpirma si Navy Vice Adm. Alberto Carlos, AFP Western Command commander na sakay siya ng binombang Unaizah Mae 4 at kabilang sa mga nasugatan subalit hindi na niya ibinilang ang sarili sa apat na tauhan nasugatan ng sumambulat ang mga salamin sa control deck ng barko matapos na tamaan ng water cannon ng CCG 21555.
Nabatid na hindi agad na inihayag na sakay ng Unaizah Mae 4 si VAdm Carlos dahil pina-prayoridad nito ang reaction ng national government higher echelon hinggil sa panibagong harassment at coercion ng China sa mga tauhan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine Rotation and Reprovisioning (RoRe) mission.
Ayon kay Carlos, hindi niya mailalarawan ang pangyayari matapos na maging siya ay personal na naranasan ang pambubully ng China.
“Ang ano ko is, ang akin from the tactical, from the operational level, ang concern ko is how to do the RORE, unimpeded RORE so that Ii can comply with the directive of the president to maintain our presence in 57 ano, so my concern is how to do the unimpeded rore every month, everytime we go out,” anang opisyal.
Inihayag din ng opisyal na kaya din siya nakasakay sa Unaizah Mae 1 ay para masubukan ang paggamit nila ng mas malaking barko upang malamang kung sasayad ba ito sa bahura o kakayaning makapasok sa bungad ng Ayungin Shoal.
“Also a concern for me as the operational commander, bukod sa unimpeded rore also safe conduct of the rore na walang no damage to property and of course to the safety of our personnel,” dagdag pa nito.
Nilinaw ni Carlos na tuloy tuloy pa rin ang kanilang gagawing resupply mission para sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal at sa iba pang mga isla na binabantayan ng AFP.
“Ang directive sa atin ni president is we will not yield, we will not, we will be undeterred so, and we will not leave Ayungin so the guidance and, that’s not only a guidance but a directive for, consider it already as an order, as a directive from the commander in chief so kaya o hindi kaya, we will plan and we will adjust our operations accordingly to ensure that a chance of success of delivering our supplies, needed supplies sa Ayungin shoal, ” diin ni Carlos. VERLIN RUIZ