(Kabilang sa mga susunod sa COVID-19 vaccination) TRANSPORT WORKERS, VENDORS

Rose Edillon

IPINALABAS kahapon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang listahan ng mga sektor na susunod para sa COVID-19 vaccines matapos ang pagbakuna sa mga health worker, senior citizen at may comorbidities.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rose Edillon, pinili nila ang naturang mga economic sector dahil sa  “mataas na lebel ng interaction o exposure sa publiko.” Aniya, ang mga ito ay mga manggagawa o indibidwal “na hindi kayang magmantine ng isang bubble.”

Isinama rin ng NEDA sa listahan ang mga kinakailangang matiyak ang seguridad, ang kaligtasan ng mga consumer at manggagawa, gayundin ang mga nagtatrabaho sa priority government projects.

Ang 13 sub-groups sa ilalim ng A4 ay ang mga sumusunod:

A4.1 – Commuter transport (land, air, and sea), kabilang ang logistics (delivery)

A4.2 – Frontline government workers sa justice, security, transport at social protection sectors (kabilang ang mga nagtatrabaho sa mga piitan, police officers, social workers sa crisis intervention units)

A4.3 – Public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa grocery, supermarkets; delivery services

A4.4 – Workers sa manufacturing para sa pagkain,  beverage, medical at  pharmaceutical products

A4.5 – Frontline workers sa food retail, kabilang ang food service delivery

A4.6 – Frontline government workers (kabilang ang safety inspectors, field enumerators, tax at clearance personnel)

A4.7 – Frontline workers sa Financial Services (kabilang ang frontliners sa mga bangko, money remittance establishments)

A4.8 – Teaching at related personnel sa medical at allied medical courses ng higher education institutions, kabilang ang personnel na nangangasiwa sa mga laboratoryo

A4.9 – Frontline workers sa  hotels and accommodation (lalo na ang mga establisimiyentong nagsisilbing quarantine facilities)

A4.10 – Priests, Pastors, religious leaders regardless of denomination

A4.11 – Construction workers sa government infrastructure projects

A4.12 – Security guards/personnel na nakatalaga sa establishments, offices, agencies, at organizations na nasa naturang priority sectors

A4.13 – OFWs na hindi nakaklasipika sa itaas at nakatakdang umalis sa loob ng dalawang buwan.

Sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan, ang populasyon ay ikinategorya base sa priority groups dahil sa limitadong suplay ng COVID-19 vaccines.

4 thoughts on “(Kabilang sa mga susunod sa COVID-19 vaccination) TRANSPORT WORKERS, VENDORS”

  1. 725091 228950The vacation trades offered are evaluated a variety of inside the chosen and basically excellent value all about the world. Those hostels are normally based towards households which youll find accented by way of charming shores promoting crystal-clear fishing holes, concurrent of ones Ocean. Hotels Discounts 400952

  2. 541742 52684Normally the New york Weight Loss diet is surely less expensive and flexible staying on your diet scheme intended for measures however quickly then duty keep a nutritious day-to-day life. weight loss 733686

Comments are closed.