‘KABUHAYAN AT KAUNLARAN NG KABABAYANG KATUTUBO’ INILUNSAD

INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang proyektong ‘Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo’ o 4Ks sa Isabela sa bayan ng Dinapigue nitong Agosto 20.

Nauna na ring isinagawa ang naturang proyekto sa tatlong probinsya sa lambak ng Cagayan —Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya .

Dalawang tribo ng mga Agtas ang nabenepisyuhan ng proyektong ito mula sa Barangay Digumased at Barangay Dibulo sa Dinapigue, Isabela.

Ang mga tribo ay tumanggap ng iba’t ibang produktong agrikultural na nagkakahalaga ng
P597,895.00 tulad ng lanzones seedlings – 500 pcs, mandarin seedlings – 375 pcs, rambutan seedlings- 333 pcs, lemon seedlings – 83 pcs, pummelo seedlings- 250 pcs, squash seeds- 5.71 kgs, eggplant seeds – 975g, tomato seeds – 500g, upo seeds – 325g, pole sitao – 900g, sweet pepper seeds – 150g, snap beans seeds – 8.75 kgs, ampalaya seeds – 1.33 kgs, pole sitao – 9kgs, Muscovy duck – 200 heads, native chicken – 200 heads, commercial poultry grower feeds – 36 bags, organic fertilizer- 55 bags, at carabao with hauling implement-1 head.

Layon ng naturang proyekto na maipahatid ang tulong sa mga katutubo mula sa malalayong lugar sa buong bansa. Kaya naman tinugunan ng ahensiya ang tawag na ito para mabigyan ng pagkakakitaan at maiangat ang estado ng pamumuhay ng bawat katutubo.

“Binibigyang-pansin ng Kagawaran ng Pagsasaka rehiyon dos ang hamon mula sa kinauukulan na maabutan ng tulong agrikultural ang mga katulad ninyong katutubong Agtas para magkaroon kayo ng hanapbuhay at pagkukunan ng pagkain araw-araw.

“Inaasahan namin ang inyong suporta na palaguin ang ibinigay naming tulong sa inyo upang hindi na kayo mamomoblema sa inyong pagkain,” wika ni Paul Vincent G. Balao, 4Ks project Action Officer at Regional Corn Program Focal Person.

Dagdag pa niya, ang proyektong ito ay magpapatuloy sa iba’t ibang tribo sa rehiyon kada tatlong taon. Ito ay matapos na makatanggap ang ahensiya ng ilang interesadong bayan na gusto ring makibahagi sa nasabing proyekto.

106 thoughts on “‘KABUHAYAN AT KAUNLARAN NG KABABAYANG KATUTUBO’ INILUNSAD”

  1. 91778 914308Possible require all types of led tourdates with some other fancy car applications. Several also provide historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 989560

  2. 275092 875310Youd superb suggestions there. I did a research about the problem and identified that likely almost anyone will agree together with your web page. 296296

Comments are closed.