KABUHAYAN NAGSIMULA MULI SA PAG-ANI NG BALATONG

ISABELA- NAG-UMPISA nang mag- ani ng balatong ang mga mamamayan ng San Mateo at nagkaroon na rin ng pag-asa na at magkaroon ng iba pagkukunan ng pang kabuhayan ang mga mamayan dito.

Ang bayan ay tinaguriang munggo capital of the Philippines.

Ang mga nag-aani ng munggo ay gumigising bago sumikat ang araw upang magpunta sa bukid upang mag- ani ng balatong o munngo.

Ang munngo sa bayan ng San Mateo ay isinasabog pagkatapos mag-ani ng palay at 45 na araw lang ito ay maari nang anihin at dito ay walang pinipili kung sino ang puwede mag-ani kahit mga kabataan ay nahuhumaling mag-ani sapagkat sa kalahating araw lang na sila ay nasa bukid mayroon na silang pera na pnagbentahan ng kanilang naani na munggo sapagkat ang bibili rin ng kanilang naani ay ang may-ari ng bukid at ito ay umaabot ng P78 per kilo. IRENE GONZALES

Comments are closed.