(Kabuuang 16,067 na ang naitala) 27 PANG OFWs POSITIBO SA COVID-19

PANIBAGONG pang 27 kaso ng COVID-19 sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA), kung saan umabot na sa 16,067 ang kabuuang bilang ang kumpirmadong positibo mula sa 90 na bansa at rehiyon.

Nasa 5,282 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital habang 16 ang gumaling kung kaya 9,738 na OFWs ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala naman napaulat na nasawi na OFW kaya’t nasa 1,047 pa rin ang COVID-19 related deaths.

Pinakamarami pa ring naitalang kumpirmadong COVID-19 case sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,884 na kaso kasunod dito ang Europa na may 3,269. Nasa 901 naman ang kaso sa Americas at 3,013 sa Asia Pacific Region.

Sinigurado ng DFA na tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang magbigay tulong sa mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic sa ilalim ng Foreign Service Posts. LIZA SORIANO

193 thoughts on “(Kabuuang 16,067 na ang naitala) 27 PANG OFWs POSITIBO SA COVID-19”

  1. 682422 953300Wow, amazing weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look simple. The overall appear of your web website is amazing, let alone the content material! 438493

  2. 791101 359761Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So great to search out any person with some exclusive thoughts on this subject. realy thanks for starting this up. this site is one thing thats wanted on the net, somebody with a bit originality. valuable job for bringing one thing new towards the internet! 386496

Leave a Reply

Your email address will not be published.