(Kada taon sa susunod na 3 taon) 5K TELCO TOWERS ITATAYO

telco tower

INAASAHANG maitatayo sa bansa ang tinatayang 5,000 telecommunication towers kada taon sa susunod na tatlong taon.

Ang plano ay bahagi ng hakbang ng gobyerno para sa mabilis na connectivity, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sinabi ni Nograles na kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang hamon para sa pagsisikap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mabilis na connection.

Binigyan-diin ng Cabinet Secretary na ang ratio na 1 tower to 4,000 households at upang mabigyan ng solusyon ang mabagal na connection, dapat gamitin ang Connect, Harness, Innovate, Protect (CHIP) Conceptual Framework.

Paliwanag ni Nograles na kapag nasunod ang CHIP framework at isabay pa ang pagsisikap ng DICT, asahan na makapagtatayo ng 5,000 tore kada taon sa susunod na tatlong taon.

“Following the CHIP framework and ongoing DICT efforts, the government expects an average of 5,000 towers per year to be built over the next three years. Government also plans to continue fast-tracking program and projects such as the National Broadband Program, the Free WIFI for all program, and the National Government Data Center,” sabi pa ni Nograles.

Sa Cabinet meeting noong Lunes, Pebrero 22, kung saan mismong namuno si Pangulong Duterte, ay inaprubahan nito ang mungkahi na pabilisin ang connectivity kasunod ng paglalabas ng joint memorandum circular para sa fiber, common poles, at in-building solutions bilang national compliance; paglalaan ng provisional approval para sa right of way sa DICT infrastructure projects, lalo na sa National Broadband Program Phase 1 at sa Luzon Bypass Infrastructure; at payagan ang telcos na ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa panahon ng emergencies.

Pinayagan din ang pag-iisyu ng memorandum circular para sa bukod na health protocols sa telco manpower; consider power capacity requirements ng telcos and/or ICT infrastructure; maglabas ng regulasyon para sa fixed table ng regulatory fees  na ipatutupad ng local government units sa ICT infrastructure at maglabas ng panuntunan sa standard fee para sa telcos installation and repair sa Barangay level.

Sinang-ayunan din ng Pangulo ang paghimok sa LGUs na pabilisin ang ang  issuance ng  Certificate of Final Electrical Inspection;  gayundin ang pasimplehan at paikliin ang requirements at proseso sa pagkuha ng permit. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.