KADAYAWAN AT KATARATA

doc ed bien

August is a month of many observances and festivities. By the time you read this ay kagagaling lang po natin sa Davao bilang isa sa co-host ng Kadayawan Festival. Sa siyudad na ito ay ipinagdiriwang ang taunang Durian Festival kasabay ng Kadayawan Festival.

KADAYAWANThe festival came from the word ‘dayaw’, meaning good, valuable, superior or beautiful. August is a celebration of life, a thanksgiving for the gifts of nature, the wealth of culture, the bounties of harvest and serenity of living. In 1988, then City Mayor and now President, Rodrigo Roa Duterte renamed the festival as ‘Kadayawan sa Dabaw’ to celebrate the bountiful harvest of Davao’s flowers, fruits and other produce in thanksgiving to God for all of the blessings. Wa-epek ho dito ang kasabihang “ghost month ang ­Agosto”.

BUWAN DAW NG MULTO?

DOC BIENGanu’n? Ito ang paniniwala ng mga Feng Shui expert at marami silang ipinagbabawal (at ibinibenta sa atin) tuwing Agosto. They believe that ‘hungry ghosts’ (walang tiyan pero nagugutom?) or restless spirits roam the Earth and cause mischief which can be anything from accidents and crime to unexpected deaths and business failures. Nari­to ang ka-nilang bawal:
• Don’t attend funerals – paano kung lolo o lola mo?
• Don’t visit the sick – paano kung doktor o nurse ka?
• Don’t hold weddings – paano kung mahal mo?
• Don’t sign contracts – puwede thumbmark na lang?
• Don’t undergo medical operation – paano kung pumutok na appendix mo?
• Don’t travel at night – paano kung security guard ka?
• Don’t hold parties to avoid jealousy of ghosts – paano na ang Kadayawan?
Muli, ayon sa mga Feng Shui expert, to appease the ‘ghosts’, people must offer food (bawal kainin ng mga buhay), burn incense at fake paper money. Nagtitinda sila ng special jewelry at protective mantras to protect wearers from harm. Ang tunay na tanong, “Ano ang masasabi ng Banal na Bibliya dito?”

BUWAN NG KATARATA

Ang katarata ay ang paglabo ng lente sa loob ng mata na nagdudulot ng hirap sa pagtingin. Ang pagkawala ng paningin ay sanhi ng pamumuti ng lente na humaharang sa liwanag na makapasok at ma-focus sa retina o pelikula ng mata.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkabulag ng mga Filipino ay ang katarata. Narito ang mga sintomas ng katarata:
• Maulap, malabo o madilim na paningin
• Hirap sa paningin pagsapit ng gabi
• Sensitibo sa liwanag at malakas na sinag
• Kailangan ng ilaw upang makabasa
• Mabilis na pagtaas sa grado ng salamin
• Pagdoble ng pani­ngin sa iisang mata
• Hirap makita ang mukha ng kaharap
• Nasisilaw sa pagmamaneho sa gabi
• Pamumuti sa gitna ng mata (pupil area)

SINO ANG MAGKAKAROON NITO?

Narito ang ilan sa risk factors na maa­aring basehan upang makaiwas at makapag-ingat.KATARATA
• Pagtanda
• Genetics gaya ng Down syndrome (Mongolism)
• Diabetes at high blood pressure
• Pagtitig sa sikat ng araw o sobrang liwanag (welders)
• Paninigarilyo
• Pag-inom ng alak
• Pagtaba o sobrang timbang
• Trauma o aksidente sa mata
• Matagal na pag-inom ng steroids
• Hypothyroidism o goiter
• Leprosy o ketong
• German measles o tigdas
• Chicken pox o bulutong tubig

PAANO ANG GAMUTAN?

Naaalala n’yo pa ba ang malaking eskandalo rito ilang taon na ang nakalilipas? Kesyo may mga klinikang nakiki­pagsabwatan sa sangay ng gobyerno tungkol sa malawakang bayaran versus unnecessary operation sa mga katarata ‘kuno’?
Ang siste ay may mga jeep na maghahakot ng matatanda sa mga barrio at kukumbinsihin sila ng libreng check-up ng mata at gamutan. Ooperahan ang walang kamalay-malay na matatanda kahit hindi kailangan para magkasingilan at kumisyunan. Ang iba pa nga sa gumagawa ay hindi tunay na espesyalista. In fairness may mga doktor na sinsero ang layunin na makatulong. Narito ang steps na ginagawa sa pag-oopera ng katarata:
• Anaesthesia – papatakan ng anesthetic eye drops to provide paralysis of the eye muscles.
• Corneal incision – Two cuts are made to allow insertion of instruments into the eye.
• Capsulorhexis – A needle or forceps is used to create a circular hole in the capsule.
• Phacoemulsification – A probe is used to break up and emulsify the lens into liquid using ultrasonic waves.
• Irrigation and aspiration – Fluid is removed and replaced with a saline solution.
• Lens insertion – A plastic, foldable lens is inserted to replace the opaque lens.
• The final step is to inject salt water into the corneal wounds to seal the incision.
Nasa pasyente ho at wala sa doktor ang pagpapasya kung dapat nga bang magpaopera o hindi. Huwag ho kayong bas-ta-basta magpapapilit. Para sa karamihan sa mga mayroon nito, hindi kailangang magmadali kung hindi naman gaanong nakaaapekto ang katarata sa inyong paningin.
Happy Kadayawan – a month of blessings from our true creator! Tsupi sa mga multo.

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.