BULACAN- NAKIISA ang pamahalaang lalawigang ito sa nationwide launching ng Kadiwa on wheels ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ginanap sa San Fernando, Pampanga.
Dinumog ng mga Bulakenyos ang Kadiwa sa lalawigan na kanya-kanyang bitbit ng gulay ang ilang mga residente makaraang bilhin ni Governor Daniel Fernando ang ilang paninda.
Ibat-ibang produkto ang ibinida sa Kadiwa sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) kabilang dito ang mga pagkain habang agaw pansin naman ang wire bonsai na ibinida ng isang dating truck driver mula sa Brgy, Sabang, Baliwag City.
Sumaksi rin sa launching ang mga Bulakenyo na ginanap sa harap ng Bulacan Regional Trail Court.
Pinangunahan naman ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang bating pagtanggap kay Pangulong Marcos at sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan. THONY ARCENAL