‘KADIWA OUTLET’ KASADO SA MAYNILA

Isko Moreno

DIREKTA nang maiaa­lok sa mga konsyumer at mamimili sa Maynila ang kalakal o paninda ng mga magsasaka sa murang halaga.

Ito ay kasunod ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Department of Agriculture (DA) kung saan inilunsad ang ‘Kadiwa grocery outlet’ sa Manila City Hall.

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ceremonial launch at ilang mga opisyal mula DA.

Ang Kadiwa stores sa lungsod ay isa sa frontline platforms ng alkalde noong siya ay nangangampanya para sa 2019 local elections.

Ayon kay Moreno, kinokonsidera niya ang Kadiwa project na win-win solution para sa mahihirap na mamimili at naghihirap na magsasaka.

Dagdag pa ng alkalde na ang lokal na pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau, na nais na mapanatili ang Kadiwa project na lingguhan bilang “farm tourism” event sa Manila City Hall.

Pahayag naman ni Manila Special Projects Chief Jot Dawis na hindi na kailangan ng mga magsasaka na dumaan sa sinasabing “middle man” para lamang makapagbenta ng bigas, prutas , gulay at iba pang produktong agrikultura sa mga konsyumer sa ilalim ng Kadiwa project. PAUL ROLDAN

Comments are closed.