MAKAKAPAGTANIM na ng marami ang mga magsasaka.
Ayon kay Senador Imee Marcos, ito’y dahil sa pagbabalik ng Kadiwa stores na magpapalawak ng kanilang market.
Sa Pandesal forum sa Kamuning Bakery Cafe, sinabi ni Marcos na ang Kadiwa scheme na sinimulan ng kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay makatutulong upang madala sa mga consumer ang mga produkto mula naman sa Food Terminal, Inc. (FTI) sa Taguig City.
Sinabi pa ng senador na patuloy na gagawa ng paraan ang gobyerno upang maramdaman ng mga mamimili ang pagluwag ng presyo ng mga produkto.
Kitang-kita ng senadora ang pangangailangan ng kagyat na pagtugon sa suliranin ng bansa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at mahirap na buhay na tinawag niyang “cost of living nightmare”.