NAGBUKAS ng Kadiwa Stores ang Department of Agriculture (DA) sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite bilang karagdagan sa sites na nagbebenta ng P29 kilong bigas sa vulnerable sectors ng bansa, bago sabay-sabay na ilulunsad ang iba pa sa buong bansa sa Nobyembre 15 ng taong ito.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Consumer and Legislative Affairs Genevieve Guevarra, ito ay bahagi ng plano ng pamahalaan na gawing nationwide ang rollout ng Kadiwa Stores upang mas maraming maabot na mga mamimiling Pilipino na nais makabili ng abot-kayang produktong agrikultura lalo na ang P29 kilong old stocks ng National Food Authority (NFA).
Kabilang sa vulnerable sectors ang mga benepisyaryo ng Pangtawid Pamilya Pilipino Program(4Ps), senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs).
“The rapid expansion of the subsidized rice program is a well considered action. We’re progressing ahead of schedule but with careful planning to maximize the program’s impact on disadvantaged Filipinos,” sabi ni Guevarra.
Ito ay bilang pagtugon, aniya, sa dumaraming kahilingan ng mga Pilipino lalo na ang mga nasa vulnerable sector na nagnanais abutin ng naturang programa, particular na sa mga siyudad ng San Pedro sa Laguna, at Bacoor sa Cavite.
“Other LGUs (local government units) are requesting that KADIWA bring the P29 program to their areas.But we have to do this on a calibrated manner. We want to ensure thia program succeeds to extend its benefits to the most number of Filipino households,” sabi ni Guevarra.
Dahil sa karagdagang Kadiwa stores na ito na inilunsad sa Laguna at Cavite , aabot na sa 15 ang Kadiwa stores na nagbebenta ng murang produkto ng agrikultura. Kabilang na rito ang ilang Kadiwa Stores na inilunsad mula noong Hulyo 5 sa Bureau of Animal Industry Dome and National Irrigation Administration sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Malate, Manila; Food Terminal Inc. sa Taguig City; Philippine Fiber Industry Development Authority sa Las Piñas; Bayani Fernando Central Terminal o BFCT at Barangay Fortune sa Marikina; at sites sa Caloocan, Valenzuela, at San Jose del Monte, Bulacan.
Sa P29 program, nililimatahan sa 10 kilo kada buwan lamang ang mabibili ng pamilya ng mga nasa vulnerable sectors.
Kamakailan lamang ay ipinahayag ng DA ang planong expansion ng P29 Rice Program sa Visayas at Mindanao sa Agosto.
Ayon kay Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA, ang mga sites ng Kadiwa Stores na may P29 Rice Program ay pinipili base sa pakikipag- ugnayan ng local government units (LGUs) na nagbibigay ng lugar sa kanilang area para rito.
Isinasabay na rin dito ang pagbebenta ng murang P45 hanggang P48 kada kilo ng bigas para sa publiko mula sa mga imported at lokal na regular at well milled rice.
Target ng DA na maabot ng programa ang 6.9 million households na katumbas ng 34 million Filipinos.
Isang large scale trial ang kasalukuyang isinasagawa ng DA upang mapag-aralan ang mga datos na kakailanganin upang matiyak ang pigging epektibo nito sa pagpapababa ng presyo ng bigas.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA