KAGALINGAN SA MGA BANSA AT CUBISM ART

Krusada sa Kagalingan at Cubism Art sa USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am at naging guests sina Evelyn C. Diao (left) Maestro Paul Sena (2nd, right) Irene C. Sena (extreme right). Hosts sa UPIZ882am sina Susan Cambri-Abdullahi (2nd, left) Eunice Calma (Cen­ter) at Cris Galit. Kuha ni ALFIE CORTEZ

NAGING matagumpay ang talakayan ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882 nitong July 14, 2024 episode kung saan naging tampok ang Kagalingan sa Mga Bansa na tinalakay ni Evelyn C. Diao, church leader ng Christ Embassy at Ani at Huli ng Visual at Cubist Artist Maestro Paul Sena kasama ang kaniyang kabiyak na si Irene Copacio Sena.

Sa nasabing talakayan, ipinabatid ni Diao ang mahalagang mensahe ng kanilang religious group sa pamamagitan ni Pastor Chris Oyakhilome kung saan nais ipabatid sa buong mundo na kanilang inihanda para sa isang makasaysayang Krusada ng Pagpapagaling.

Inanyayahan ang lahat para sa livestreaming ng Pagpapagaling sa July 26 hanggang July 28 at alas-3 ng hapon sa Pilipinas habang sa main branch ng Christ Embassy sa Nigeria ay alas-10 ng gabi.

Para makasali sa Krusada ng Pagpapagaling, maaaring mag-log in sa www.healingstreams.tv/zone/cphil.

Samantala, puno rin ng passion sa sining ang mga inihayag ni Cubist Artist Maestro Paul Sena at misis nito na si Gng. Irene.

Nagsimula ang pagiging cubist ni Maestro Paul Sena noong 2006 kung kailan naitala ang Guimaras oil spill at nakita niya ang mga isdang namatay na nagkikislapan sa karagatan.

“Ang mga isdang nakalutang ang nagbigay sa akin ng ideya para mag-paint ng isda sa estilo ng cubism,” ayon kay Sena.

Naging patok naman para sa Maestro ang unang pinintang isda kaya itinuloy niya ito at doon siya nakilala.

Nagtuturo rin ng pagpipinta si Maestro Paul at katuwang niya ang kayang kabiyak sa gawain.

Dahil sadyang malikhain, nag-imbento rin sariling pintura si Maestro Paul na kanyang ginagamit sa pagpipinta na aniya’y garantisadong mahusay at ligtas na pintura dahil walang amoy na kahit sa kuwarto ay maaaring gamitin.

Sinabi ni Maestro Paul, 74-anyos, na kanyang ipagpapatuloy ang adhikaing lumikha, magpinta at katunayan ikinasa na niya ang kayang 8th Solo Exhibit sa Chef Jessie Rockwell Club Amorsolo, Rockwell Center, Makati City na nagsimula noong July 10, 2024 hanggang August 10, 2024.

Eunice Calma-Celario

♦♦♦♦♦

Ugaliing makinig at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am, 2-3PM tuwing Linggo, sundan din sa FB Pages DWIZ 882 at PILIPINO MIRROR at YT DWIZ 882. Ang mga host ay sina Cris Galit, Susan Cambri-Abdullahi at Eunice Calma-Celario.