BATAAN- MASIGLANG sinalubong ng mga residente ng lalawigan ang pagdating ni Pangulong Bongbong Marcos kasama si Bataan Governor Joet Garcia bitbit ang mga gamit sa pagsasaka at pangingisda.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang rice harvester equipment para sa mga magsasaka at motor banca para naman sa mga mangingisda.
Tinatayang nasa 1,500 na benepisyaryo ang nabigyan ng Punong ehekutibo sa Limay Sports Complex bayan ng Limay, sa lalawigan ng Bataan.
Gayunpaman, mahigpit ang seguridad na ipinatupad ng PNP na pinamunuan ni PRO3 Director PBGen.Jose Hidalgo Jr. sa mga lugar na pupuntahan ng Pangulo kabilang dito ang Limay Power Plant.
Pangungunahan din ni PBBM ang inauguration ng San Miguel Corporation Battery Energy Storage kasunod nang Ceremonial Switching in Maritime Academy of Asia in the Pacific sa bayan ng Mariveles, Bataan.
THONY ARCENAL