SA BUHAY, marami tayong option lalo na sa pagkain. Kumbaga, importante ang pagiging mapili natin sa pagkain para matiyak natin ang ating kalusugan. At marami nga sa panahon ngayon ang pinipili ang organic food.
Ano nga ba ang benepisyo ng pagpili ng organic food?
Walang artificial color ang organic food, flavors, preservatives at additives.
Ayon sa onegreenlanet.org, lumabas umano sa ilang research na ang organically-grown whole food gaya ng prutas at gulay ay nagtataglay ng mas mataas na level ng vitamins at minerals gaya ng Vitamin C, iron, Magnesium at phosphorous.
Isa rin sa malinaw na benepisyo ng pagpili ng organic food ay sa tuwing kakain tayo nito, mas mababa ang toxin na puwede nating makuha.
Isa sa pinoproblema natin ay kung papaano pipili ng organic food. Hindi nga naman madali ang pagpili lalo na kung nasa siyudad ka. Kung sa probinsiya nga naman, maaari kang magtanim o kaya naman bumili mismo sa nagtatanim nito.
Gayunpaman, kung nasa siyudad at wala namang mabibilhan o mapupuntahang organic farm o nagtatanim nito, isa sa kailangang isaalang-alang ay ang pagbabasa ng label. Suriing mabuti ang nakasulat sa label. Pagdating naman sa mga prutas at gulay, maaari kang magtanong sa staff ng grocery o supermarket. Kadalasan din ay may mga nakasulat sa plastic na pinaglalagyan ng gulay at prutas na nakasaad kung paano ito na-produce.
Mahalaga ang kalusugan kaya’t huwag tayong magpabaya. CT SARIGUMBA
Comments are closed.