Ito ang pagdiriwaang na nagpapakilala sa masaganang ani ng karagatan – isang katakam-takam na pagdiriwang kung saan matitikman mo ang lahat ng masasarap na pagkaing dagat, mula sa dilis hanggang sa banagan.
Handa ang lahat ng restaurants sa Dapitan City sa magkahalong authentic Dapitan City seafood cuisine and delicacies, ganoon din ang iba pang contemporary seafood-filled culinary delights sa rehiyon. Ang food fest ay kaakibat ng cultural shows at napakaraming give aways.
Kagang ang ipinagmamalaki ng Dapitan. Ito ay isang crab specie na makikita sa pitong coastal barangays sa Dapitan — ang Taguillon, Banbanan, Carang at Baylimango.
Nagsimula ang Kagang Festival noong February 2014 at mula noon ay taunan na ang naging pagdiriwang nito. Tampok sa nasabing festival ang tradisyunal na paraan sa pagluluto ng kagang, na inihahain sa mga bisita at turista a hindi pa nakakakilala dito.
Ang event ay inoorganisa upang palakasin ang nawawalang interes ng mga tao sa kagang at para ipreserba ang authentic and traditional flavorful dishes na kagang ang main ingredient.
Pero ipinakikita rin sa kagang festival ang iba pang mga seaf oods na authentic sa Dapitan City. Halina, makikain na.KAYE NEBRE MARTIN