KAGAWAD HULI SA BUY BUST

ARRESTED

BOHOL – ISANG aktibong barangay councilor ang nahuli ng mga tauhan ng pulisya at elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V11 sa bayan ng Cortez sa lalawigang ito.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director Gene­ral Aaron N. Aquino ni Dir. Wardley M. Getalla, naki­lala ang suspek na si Jay Peter R. Namoc, alyas Dodong Jay/Jay Peter, 27, may asawa at kasalukuyang kagawad ng Barangay Loreto.

Ayon kay Getalla, isang buy bust operation ang ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO VII Bohol, Cortes Municipal Police Station, at Maritime Police bandang alas-8:00 ng gabi kamakawala sa Barangay Loreto, ng nasabing bayan.

Dalawang pakete ng shabu na may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800 kasama ang isang cellular phone na nakuha sa pag-iingat ng nasabing konsehal. VERLIN RUIZ

Comments are closed.