KAGAWAD ITINUMBA NG TANDEM

ISABELA- PATAY ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa Barangay Barumbung, Sto. Tomas.

Kinilala ng mga tauhan ni P/Major Felix Mendoza hepe ng Sto Tomas Police Station, ang biktima na si Alejandro Maddawin, 58-anyos, ng Barangay San Jose, Delfin Albano.

Naganap ang pamamaril sa ipinagagawa niyang bahay sa a Purok 1, Barangay Barumbung.

Dumating umano ang dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo na walang plaka at pinaputukan ng maraming beses si Maddawin na nagtamo ng tama sa ulo, tagiliran at sa dibdib na naging sanhi ng kamatayan nito.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis para sa agarang ikadarakip ng mga salarin. IRENE V. GONZALES

3 thoughts on “KAGAWAD ITINUMBA NG TANDEM”

Comments are closed.