CAGAYAN- ISANG Barangay Kagawad ang pinagbabaril ng tatlong hindi pa nakikilang mga salarin sa bayan ng Amulung ng nasabing lalawigan kamakalawa.
Kinilala ni P/Major Osmundo Mamanao, hepe ng Amulung Police Station ang biktima na si Ferdinand Javier, 46-anyos, isa rin negosyante at residente ng Barangay Babayuan, Amulung, Cagayan.
Sa imbestigasyon ng PNP Amulung, habang ang biktima ay nasa tapat ng kanyang tahanan ay huminto ang isang SUV-Hilux na kulay itim at walang plaka kung saan lulan ang mga salarin at tinawag pa ng mga ito biktima bago pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng labing walong tama bala ng sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan na mula sa kalibre 45 baril at 9mm base na rin sa mga natagpuang mga basyo ng bala sa lugar ng krimen na agarang ikinamatay ng biktima.
Ilan sa mga tinitignan na motibo ng mga awtoridad bukod sa umano nasa watchlist sa kanilang lugar ang biktima, ang pagiging negosyante nito bilang isang mamimili ng palay at mais gayundin ang posibilidad na kakilala ng biktima ang mga suspek.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Amulung para agarang ikalulutas sa nagyaring pamamaslang sa nasabing barangay kagawad. IRENE GONZALES
Comments are closed.