KAGAWAD TUMBA SA BOGA, PARI SAPOL DIN NG BALA

Bala

LAGUNA –  PATAY sa  pananambang ng riding in tandem suspects ang 36-anyos na brgy. kagawad habang sugatan naman sa ligaw na bala ang isang parish priest sa Shetelig Avenue, Brgy. 3D, lungsod ng San Pablo kamakalawa ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng pulisya, nakilala ang napatay na biktima na si Richard Galit y Capal, brgy. kagawad ng Brgy. Concepcion, at ang sugatang si Fr. Emil Larano y Baldemor, 40, Liceo de San Pablo Parish Priest at residente ng Brgy.  Bagong Bayan, Paete, Laguna.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:15 ng hapon anng tambangan at walang habas na pagbabarilin ng mga suspek ang biktima gamit ang kalibre 45 baril habang lulan ito sa kanyang minamanehong SUV na Toyota Fortuner may plakang DAG-6278 patungo ng kabayanan.

Kaugnay nito, hindi inaasahang tamaan naman ng ligaw na bala ang pari na si Larano habang lulan ng kanyang minamanehong Isuzu MUX na nasa kabilang linya ng kalsada.

Makaraan nito, nagawa pang sumugod sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna ang biktimang si Galit sa kabila ng natamo nitong ilang tama ng bala sa kanyang katawan samantalang minalas na binawian din ito ng buhay makalipas ang mahigit na limang oras.

Samantala, nasa maayos ng kalagayan sa nabanggit na pagamutan si Larano matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang balikat habang patuloy namang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa kaso at sa pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek. DICK GARAY

Comments are closed.