SA SOUTHEAST Asia, ang Filipinas ang isa sa masasabing fastest growing audience market ng Twitter. Fifty seven percent ng Filipinos na nasa Twitter ang gumagamit nito araw-araw. Kaya’t magandang avenue ito sa pag-launch ng mga bagong brand at mai-connect ito sa mga audience.
Sa usapan nga namang social media, hindi mawawala ang Twitter sa kinahihiligan ng marami. Kumbaga, napaka-convenient din kasi nito dahil lahat nga naman ng gusto mo ay sa nasabing platform mo matatagpuan. Mula nga naman sa celebrity hanggang sa mga isyung bumabalot sa paligid o bansa.
Ipinaliwanag ni Twitter Managing Director for Southeast Asia na si Arvinder Gujral ang kahalagahan ng kultura sa pagdedesisyon ng bawat consumer.
“Brands make themselves relevant not only by joining discussions, but also by initiating conversations on cultural happenings and social issues. Public discourse has become more open than ever. Millions of people jump into discussion of various topics on Twitter where they have the power to shape the conversation,” wika ni Arvinder.
“Being an interest-based and real-time communications platform, Twitter enables brands to better gauge what their audience is up to and come up with innovative ways of engaging them. Brands regard Twitter an integral part in launching campaigns or products as it helps drive the launch’s meaningful incremental value,” dagdag pa nito.
May tatlong key points sa pag-engage ng campaign sa Twitter, gaya ng mga sumusunod:
- Make it relatable to the audience: Karamihan ay gumagamit ng Twitter upang makisabay sa usapan o topic na mahalaga sa atin. Naghahanap ng mga taong maaaring makausap o makadiskusyon na kapareho ng mga hilig at gusto.
- Present something new: Hindi man bago ang isang ideya o produkto, marami pa ring mga fresh at creative aproach ang ginagamit para makuha ang pansin ng audience. Nagiging creative at fun din sila sa pagpapakita o pagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa isang produkto man o pagkain.
- It is worth-debating: Ginagamit din ang nasabing platform upang magbahagi ng opinyon na kadalasan ay nagiging simula upang pag-usapan ang isang bagay o pangyayari.
Isa sa most notifiable campaign sa Twitter ay ang #MeToo. Tungkol ito sa movement na ini-encourage ang kababaihang magbahagi ng kuro-kuro against sexual harrasment at sexual abuse. Isa itong call upang hindi ma-tolerate ang acts at mabigyan ng suporta ang mga kababaihang nakaranas ng ganito. Sa simpleng hashtag sa Twitter, nag-evolve ito at naging cover page ng TIME magazine.
Bukod dito, isa pa sa pinag-usapan ang #BabaeAko na nagsimula sa online campaign against misogynistic remarks. Nag-evolve ito sa bigger movement where women vow to fight for their advocacies. Naging daan din ito upang ang isa sa pioneer nito ay ma-recognize bilang TIME’s most influential online in 2018.
Maraming paraan upang maengganyo ang maraming makiisa sa diskusyon o magkaroon ng lakas ng loob upang magbigay ng kanyang sentimiyento sa mga nangyayari sa paligid. Isa ngang nagagamit ng marami ay ang Twitter.
Bukod sa nakasasali sila sa diskusyon, dahil din dito ay nalalaman nila ang mga nangyayari sa paligid.
Comments are closed.