MAHALAGA umano ang katalinuhan subalit mas mahalaga ang “Life Skills” o kasanayan sa buhay ng tao.
Ito ang iginiit ng mga eksperto sa akademya at mga pinuno ng St.Clare Colllege kamakailan.
Ayon kay Dr. Ernesto Adalem, CEO ng St.Clare College, ang life skills ay mahalaga upang makatulong hindi lamang upang lumago ang karunungan ng isang tao kundi ito ay upang makatulong sa isang indibidwal upang matutong lampasan ang mga pagsubok at harapin ang mga hamon ng buhay.
Ito umano ang naging dahilan upang maglagay ang kanilang paaralan ng Life Skills, Digital Passport Program o Education 5.0.
“This life changing program will tranform the country’s educational landscape today. This Life Skills Program will help students adjust to the demands and challenges of the digital age and empower them to take control of their future with access to global opportunities, flexible learning strategies and innovative technologies.
“Ang taong mataas ang IQ ay posibleng maging par excellance, pero ang taong mataas ang emotional quotient ay posibleng maging Chairman ng English Department,” sabi ni Henry Tenedero, Dean ng Life Skills Department ng Claret College.
Ayon kay Tenedero, mahalaga ang life skills lalo na sa mga kabataan at lalo na sa kaligtasan ng kanilang buhay.
“Life skills empower the youth to become better versions of themselves. It is essential for success especially in the modern digital age. …with life skills, they will be better prepared to navigate the various aspects of life,” sabi ni Tenedero. ‘With this Life Skill Digital Passport program,we are empowering responsible digital citizens who understand the ethical implications of their online actions,” dagdag pa ni Dr. Adalem.
MA. LUISA GARCIA