Sa makabagong digital landscape, hindi dapat balewalain ang kaalaman sa enterprise security protection. Ito ang sandigan kung saan malayang nakakapag-operate ang negosyo na walang alalahanin.
Kahit nagsisimula ka pa lamang, unahin mong ayusin ang enterprise security protection, upang malampasan ang lahat ng nagbabantang hamon. Poprotektahan nito ang negosyo laban sa disruptions, cyberattacks, at data breaches na lulumpo sa negosyo mo kapag nagkataon.
Data ang buhay mo kaya protektahan mo ito. Itago ang mga sensitive and confidential information. Ngunit siguruhin ding hindi ka lalabag sa batas kapag ginawa mo ito para makaiwas sa multa at iba pang legal repercussions.
Paniguro rin ang cyber-security sa customer trust. Pag nasira ang tiwala ng customer, tapos na ang negosyo mo. Walang kapalit na halaga ang reputasyon. Minsan ka lamang tamaan ng cyberattack, may lamat na ang tiwala — kaparis ng nangyari sa dalawang malaking bangko sa bansa, kung saan na-hack ang system, dahilan kaya maraming depository ang lumipat sa Metrobank at Security Bank.
Competitive advantage ang cyber-security, at tiwala ang kapalit nito.
Hindi lamang bangko ang usapan dito. Pwede rin ito kahit sa simpleng sari-sari store, karinderya, o ambulant food cart. Lalo na kung sole proprietor ka. Halimbawa, sumikat ang karinderya mo dahil sa iyong special sisig. Itago mo ang recipe nito at siguruhing hindi magli-leak, or else, lilipat ang customer sa ibang karinderyang nagnakaw ng recipe mo.
Kung data encoding naman ang business mo, inaasahan ng customers na ang kanilang data ay handled with care and privacy. Kapag sinabing secret, dapat, secret talaga.
And, don’t forget, mabilis mag-evolve ang technology. Sumabay ka. Kung hindi mo kayang sumabay, kumuha ka ng taong mapagkakatiwalaan para dito. Oo, dagdag gastos, pero worth the expense ang proactive security protection, kung gusto mong mag-survive at magtagal sa negosyo mo.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE