KAHALAGAHAN NG WHEEL ALIGNMENT

patnubay ng driver

GOOD day mga kapa­sada!

Lubhang mahalaga sa car maintenance ang wheel alignment sa takdang panahon para manatili ang long life at smooth driving condition ng sasakyan.

Ano-ano ba ang mga component ng sasakyan na dapat nating malaman sa wheel alignment?

Ayon sa isang service station sa Parañaque City, kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa wheel alignment bilang bahagi ng car maintenance ay ang mga sumusunod:

  1. Toe-in and toe-out
  2. Camber
  3. Caster

Tanong ng ilang texter ng Patnubay ng Drayber, kailan nga ba talaga dapat na magpa-wheel align ng sasakyan?

WHEEL ALIGNMENTSa totoo lang, karaniwang nagpapa-align ang mga kapasada kapag napuna nila na hindi pantay ang steering wheel o manibela, samantalang ang iba naman sa atin, ay nagugunita lamang ang magpa-wheel alignment  kapag nararamdaman na may kabig ang manibela.

Ayon sa nakapana­yam na service mechanic, para sa optimum fuel efficiency at para sa ikatatagal ng buhay ng mga gulong ng sasakyan, ang taunang pagpapa-align ay marapat na isaalang-alang ng ating car owners, lalong-lalo na pagkakatapos ng tag-ulan na kabi-kabila ang lubak ng lansangan na nagdudulot ng masyadong pinsala sa under chassis components tulad ng:

  1. tie rod ends
  2. ball bearing.

Malaking pinsala ang nagaganap sa tie rod ends at ball bearing sa tuwing napadadaan sa malubak na daan ang sasakyan dahil nawawala sa ayos o alignment ang mga gulong.

MGA DAPAT MALAMAN SA WHEEL ALIGNMENT

Ano-ano ba ang dapat nating malaman sa wheel alignment: Ang TOE ay makapagbibigay sa atin ng karagdagang ideya tungkol sa wheel alignment.

  1. Ang TOE – ito ay puwedeng “toe-in” o kaya naman ay “toe-out.” Ang magiging reference natin dito ay mismong harapan ng gulong, ‘yung matatanaw natin na pinakagitna kung tayo ay nakaharap sa ating sasakyan.

vertical wheelIdiretso natin sa pinakagitna kung tayo ay nakaharap sa ating sasakyan.  Idiretso ang manibela (mas mainam kung umaandar ang makina para hindi puwersado ang inyong steering column.)

Ipuwesto ito sa pina­kagitna at patayin ang makina.  Lumabas ng sasakyan at silipin kung balanse ba ang gulong o pantay ang gulong mula sa harap o naka in-line ba ito sa gulong sa likod?

Kung ang gulong sa harap ay nakapaling papasok sa loob nang bahagya man o malaki, ito ay tinatawag na “Toe-in” at kung ito naman ay med­yo nakapaling sa palabas, ito ay tinatawag na naka-“toe-out.”

Posible bang ganoon din ang ating gulong sa likod? Ayon sa service mechanic, “oo”.  Posibleng maging “off” ang alignment sa harap o sa likod dahil sa tinatawag na “metal fatigue”.

Likha ito ng pagkakabaluktot ng bakal dahil na rin sa dinadalang bigat nito at factor na rin ang lubak ng lansangan at edad ng ating sasakyan.

Payo ng resource mechanic, mas mainam na ang ating sasakyan ay dalhin sa alignment center once a year para makatiyak na ito ay nasa wastong kondisyon.

  1. ANG CAMBER. Ito ang tinatawag na tindig ng gulong pero ang sinisilip dito ay ang pinakatuktokCASTER at pinakailalim ng goma.

Ang dapat gawin ay tumindig sa harapan ng sasakyan na makikita ang dalawang gulong at silipin ang gulong ng driver side. Kung ang tuktok ng gulong ay nakahilig papasok sa sasakyan, ang tawag dito ay “negative camber.”

Kung ang tutok naman ay nakahilig palabas ng sasakyan, ang tawag dito ay “positive camber.”

Ang karaniwang ta­nong ng ating mga drayber, ano ba ang epekto ng maling camber ng gulong?

Ipinaliwanag ng resource service mechanic na kapag naka-positive camber, ang gulong ay nakakalbo ang labas na bahagi samantalang kung naka-negative naman ang camber, ang loob na bahagi naman ang nakakalbo, meaning hindi balanse ang mga gulong.

Samantala, nilinaw naman ng resource service mechanic na kung ang gulong ay napupudpod sa gitnang bahagi, ang ibig sabihin ay over inflated ang goma o sobra sa hangin ang ating gulong.

Ang adjustment ng camber ay isinasagawa habang nakasalang sa alignment machine sa kadahilanang ito ay may iba’t ibang specs na mismong nakatala sa loob ng computer ng alignment machine.

  1. ANG CASTER. Ito ay ang anggulo kung saan ang pinakagitna kung tumatawid ng isang diretsong linya mula sa lower ball joint papunta sa upper ball joint o sa strut kung ito ay McPherson.

Ito ay tinatawag na steering pivot. Para itong planet Earth na may north at south pole kung saan umiikot ang mundo.

Ganito rin ang principle ng caster.  Ito nga lang ay may kaukulang degree of angle na nakatala depende sa manufacturer specs.

Karaniwang hindi adjustable sa mga kotse, van o SUV. Ibig sabihin, kung ito ay may problema sa caster, kailangang may palitan na part na nabaluktot likha sa isang accident o insidente kaya. Paliwanag ng resource service mechanic na puwedeng ikumpara ito sa caster wheel ng ating shopping cart. Madali itong iliko dahil ito ay nagpa-pivot kung ililiko. Ang axis nito ay nakapuwesto sa harapan at ang gulong ay nasa likuran ng axis, ito ay tinatawag na “positive caster.”

Sa mga sasakyang luma na walang power steering, karaniwan ang set-up ng caster ay positive para mas magaang iliko ang sasakyan.  Gaya ng paliwanag ng resource service mechanic, ang set up ng caster ay napakahalaga sa pagbira ng sasakyan o pagliko.

Dumidiretsong muli ang manibela dahil sa caster.  Ipaling mo pabaligtad ang gulong ng shopping cart at itulak paabante, pansinin ang mangyayari, babalik sa dating puwesto ang gulong.

May mga sasakyan na naia-adjust ang caster at karaniwan ay mga truck. Sa mga sasakyan na pagkaminsan ay mahirap hawiin ang manibela, malamang na may problema ito sa caster.  Naka-negative marahil ang caster.

Ipinaliwanag ng resource service mechanic na dapat na malaman ang tamang wheel alignment sapagkat ito ay makatutulong nang malaki sa pagtitipid ng konsumo ng gasolina at sa kabuuang performance ng sasakyan.

Kung aniya naka-wheel aligned ang sasak­yan, hindi pigil ang takbo at kung gayon, hindi kailangan magbigay ng karagdagang force o effort ang makina upang tumakbo nang maayos.

Mas tatagal pa ang buhay ng mga gulong at maging ang under chassis components dahil hindi kinakailangan na magkaroon ng unnecessary stress na ikaiikli ng buhay ng mga ito, diin pa ng resource service mechanic.

SAFETY ROAD TIPS

Nagbigay ng  payong pangkaligtasan ang Land Transportation Office (LTO) sa kabila ng dumaraming bilang ng road accidents sa kalsada. Ipinapayo ng LTO na sundin ang lahat ng traffic rules at signages tulad ng pagpa­panatili ng safe distance ng sasakyan sa harapan mo. Gamitin ang inyong side mirrors, hindi naman iyan laging  pumupuwesto sa may bahagi na kung saan ay nakikita kang mabuti ng sinusundang sasakyan. Hangga’t maaari ay lumayo o umiwas sa mga  kaskaserong drayber.  Samakatuwid, iwasan ang makipagkarera.

PAKATATAN­DAAN: “Driving a vehicle with a delinquent or invalid driver’s license, shall be imprisoned not exceeding ten (10) days, at the discretion of the court.”

KAUNTING KA­ALA­MAN: Pilitin nating makatulong sa kampanya ng gobyerno tungkol sa malinis na kapaligiran.  Para sa atin din iyon. Alam naman natin na ang itim na usok na ga­ling sa sasakyan ay lason sa hangin at sa katawan.  Sa kabilang dako, ang ­ingay ng motor, busina, at sirena ay masa­kit sa tainga at nakasisira ng konsentrasyon .

IWASAN ANG AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

HAPPY MOTORING! (photos mula sa google)

Comments are closed.