KAHINAAN NG CONTACT TRACING HADLANG SA LIGTAS NA PAGBABALIK-ESKUWELA

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na hindi magiging ligtas ang pagbubukas ng mga paaralan para sa limited face-to-face classes kung mahina ang contact tracing sa bansa.

Sa ilalim kasi ng rekomendasyon ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), dapat may aktibong sistema para sa surveillance o contact tracing sa local government units (LGUs). Dapat ding limitahan ang mga face-to-face classes sa mga lugar na mas mababa sa five percent ang positivity rates at wala pang sampung (10) kaso ng COVID-19 kada isang daang libong (100,000) katao sa nakaraang pitong araw.

Matatandaang hinimok na ni Gatchalian noon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gumamit ng unified contact tracing system.

Bagama’t inanunsiyo ng Malacañang na handa na ang rollout ng StaySafe.ph, ibinahagi naman ni contact tracing czar Benjamin Magalong na ang opisyal na contact tracing application ng pamahalaan ay tinanggihan ng Department of Health (DOH) at pinag-aaralan pa ng Department of Interior and Local Government (DILG). Dagdag pa ni Magalong, ang contact tracing ang maituturing na “weakest link” sa pagresponde ng bansa sa COVID-19 pandemic.

“Mahigit isang taon na simula noong tumama ang pandemya sa atin ngunit patuloy pa rin ang mga isyung kinakaharap natin sa contact tracing. Paano natin matitiyak ang kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral kung hindi sapat ang ating sistema para matukoy kung sino ang mga nanganganib na magkasakit,” pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa Adopted Resolution No. 92 na isinulong ni Gatchalian at inaprubahan ng Senado noong Marso, inirekomenda ng mga senador na magkaroon ang mga Provincial, Municipal, at City School Board ng awtoridad na magsagawa ng limited face-to-face classes at magpatupad ng mga selective at localized lockdowns.

Ayon naman kay Education Secretary Leonor Briones, may halos dalawang libo (1,900) sa apatnapu’t pitong libong (47,000) mga paaralan ang inaasahang makikilahok sa unti-unting pagpapatupad ng limited face-to-face classes. Inaasahan na rin ang pakikilahok ng mga paaralan sa Davao region dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang rehiyon, lalo na sa Davao City. VICKY CERVALES

5 thoughts on “KAHINAAN NG CONTACT TRACING HADLANG SA LIGTAS NA PAGBABALIK-ESKUWELA”

  1. 961928 46079bless you with regard towards the particular weblog post ive truly been looking regarding this kind of data on the web for sum time correct now as a result cheers 247851

  2. 80365 375968Normally I dont read article on blogs, but I would like to say that this write-up very compelled me to try and do so! Your writing style has been amazed me. Thanks, very excellent post. 722479

Comments are closed.