(Kahit 99.45% na ang fully vaccinated) 3 PULIS PA TINAMAAN NG COVID-19

BAGAMAN halos kumpleto na sa bakuna ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP), mayroon pa rin tinatamaan ng COVID-19.

Sa ulat kahapon ng PNP-Health Service, nadagdagan ng tatlong pulis ang nagkaroon ng coronavirus disease kaya ang kabuuang ginagamot ngayon ay anim na.

Isa lamang ang nakarekober sa naturang sakit.

Sa kabuuan nasa 48,885 na ang kaso ng nasabing sakit simula noong Marso 2020; habang 48,750 na ang nakarekober at 129 ang namatay.

Ang unang fatality sa COVID-19 sa hanay ng PNP ay noong Abril 2020 at habang ang pinakahuli ay ang babaeng pulis na may breast cancer nitong Abril 2022.

Kabuuang 225,553 pulis o 99.45% naman ang tumanggap na ang kumpletong doses ng COVID-19; 228 ang naghihintay ng ikalawang doses habang 1,024 pa ang walang bakuna.

Batay pa sa datos, 222,393 pulis o 98.65% ng police force ang boosted na laban sa COVID-19.
EUNICE CELARIO