DIRETSAHANG sinabi ni Bossing Vic Sotto sa press na dumalo sa grand presscon ng Jak Em Poy na pinagsamahan nila nina Coco Martin at Maine Mendoza at iba pa na hindi siya nanghihimasok sa personal life ni Maine o kahit sa lovelife ng phenomenal star.
Halos araw-araw nang nakakasama ni Bossing si Maine sa Eat Bulaga at mayroon pa silang sitcom na Daddy`s Girl sa GMA 7 at eto pa nga ang entry movie nila sa MMFF na Jak Em Popoy.
Sa sitcom at pelikula ay mag-ama ang ginagampanan nila Vic at Maine. Hindi na iba ang turing ni Bossing kay Maine kaya ganoon lang ang kanyang malasakit dito.
Pero pinagdiinan ni Vic na hindi siya nagtatanong kay Maine tungkol sa estado ng lovelife nito. Kahit daw madalas silang magkasama ay never daw nag-open up o nag-share si Maine sa kanya, kahit ‘yung tungkol kay Arjo Atayde.
Hindi naman ito kataka-taka dahil kahit si Vic ay ayaw nitong ibahagi sa iba ang kanyang personal life. Kahit na sabihin na public property si Bossing ay gusto pa rin nitong mapanatili ang kanyang privacy.
Kung saan daw masaya si Maine at maging ng mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ay masaya na rin raw si Bossing Vic.
Ang movie pa lang nina Vic at Coco ang una naming nalaman na entry sa MMFF 2018. Ang pangalawang movie ay ang Mary, Marry Me ng Ten17 Production ni Direk Paul Soriano. Wala nang iba pa kaming nalalaman kasama sa MMFF kaya sure winner na sa takilya itong dalawang movie.
ARNOLD REYES AT IBA PA IGINAWA NG ALBUM NG ISANG COMPOSER/BUSINESSWOMAN
DAHIL sa kanyang great passion for music ng composer/businesswoman na si Madam Lorna Tobias ay itinatatag nito ang LST Music and Production para gastusan at makagawa ng album ang mga singer na may karapatang magka-album.
Isang magandang compilation album ang unang handog nila sa mga music lover na naglalaman ng mga original Filipino music na pinagtulungang i-compose ni Madam Lorna at ng magaling na actor na si Arnold Reyes na isa ring magaling na singer/composer.
Ang album na may pamagat na Sana May Forever Love ay available na rin sa digital platform worldwide gaya ng iTunes, Google Play, Amazon, Deezer, cd baby at Spotify.
Dalawang Pinoy Boyband ang kasama sa album, sina Lharby Policarpio (Kung Malaya Ka) at Reynald Simon (In Love Ako Sa`Yo), Arnold Reyes na siyang kumanta ng Sana May Forever, Brenan Espartineza (Bakit Mahal Pa Rin Kita), Jingle Buena (You Color My Word), Sue Galvez (My Heart Aches), Renz Verano (Hindi Na Ba), Pat Cordoza (Wala Lang Ba Talaga), Chivas Malunda (Hindi Ko Kaya), Faith Cuneta (Mahal Kita) at Laarni Lozada (IKaw ‘Yun).
Kahit bago pa lang ang LST sa industry ay nakatanggap na ito ng karangalan at maging si Madam Lorna Tobias sa PMPC Star Awards for Music bilang 2018 Best Compilation Album, Best Female Acoustic Singer (Jingle Buena) at R&B Artist of the Year (Brenan Espartinez).
Comments are closed.