MORE than what is expected ang audience attendance sa first solo major concert ng sing-along master at gay impersonator ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na si ANTON DIVA, ang “SHINE: Anton Diva XXII AD” sa Cuneta Astrodome last Saturday.
Ayon kay Anton, binentahan daw niya ng ticket personally ‘yung mga nanonood sa kanya during his gigs sa comedy bars.
Bumilib kami sa production value ng concert. Hindi tinipid ng producer ng concert ni Anton na si Teri Onor. Nagmistulang produced by a major network dahil sa stage pa lang may malalaking LED screen, not one, not two but five.
Pati costumes ng dancers ay bonggacious. At siyempre ang mga sinuot na gowns ni Anton sa concert very creative at mukhang very expensive na kering-keri naman niya.
Slim kasi si Anton at may magandang face. Kaya girl na girl talaga siya on stage. Meron kasing mga gay performers na kahit ang bongga-bongga na ng suot na gown at gawa pa ng sikat na designer, nagmumukhang tsararat (pahiram Ms. Carmi Martin) at parang pam-perya ang dating.
Maraming magagandang production numbers sa concert. Pero pinaka-favorite namin dahil very touching ‘yung portion na nire-recall ni Anton ang pagsisimula niya bilang sing-along master at ‘yung duet niya with his father at siyempre ‘yung sa kanila ni Songbird Regine.
Bukod kay Regine, applauded din ng husto ang iba pang guests ni Anton gaya ni Vice Ganda at Michael Pangilinan.
Bago kantahin ni Michael ang kanyang second song, nagbigay-pugay siya sa dating manager na si Jobert Sucaldito na nakaupo among the audience. He acknowledged ang thanked his Kuya Jobert sa lahat ng mga ginawa sa kanyang career ng TV/radio host.
All smiles naman si Kuya Jobert habang ina-acknowledge ni Michael. Kasama ni Kuya Jobert that night ang dalawa niyang napaka-talented na mga alagang sina Kiel Alo at Carlo Mendoza.
Habang papalabas naman kami ng venue, we overheard ‘yung ilang nanood na nagkukuwentuhan about the concert. Hindi raw nila nagustuhan ‘yung mga sinabi ni Vice tungkol sa lovelife ni Anton.
Although, sanay naman daw sila sa batuhan ng kalaswaan ni Vice at maging ng ibang comedy bar host.
This time, they felt Vice went overboard sa pambubuking kay Anton regarding his sex life
Bakit pa raw kailangang i-detalye ni Vice kung paano makipagtalik si Anton sa lalaki pati na raw puwet ng gay impersonator sa concert?
Okey lang daw sana kung sa comedy bar magkuwento si Vice ng ganoon but not in a big venue at sa isang napaka-momentous event for an artist.
Sinubukan na ring pigilan ni Anton si Vice sa pagku-kuwento at nakiusap na tumigil na kasi nasa concert din ang mga magulang at pamangkin ng gay impersonator ni Regine. Pero tumuloy pa rin sa pagbitaw ng mga kalaswaang salita si Vice at sinisi pa raw ang audience kung bakit nagdadala ng bata sa concert.
Distasteful and napaka-disrepectful daw ni Vice. Hindi lang daw si Anton ang binastos niya kundi pati na rin ang pamilya ng singer. Maging ang ibang audience raw ay sobrang nabastusan kay Vice.
Feeling nila “binaboy” ni Vice si Anton at ang concert. Ewan daw nila kung pagtapos ng concert ay tumaas ang respeto at pag-tingin ng mga nanonood pati na pamilya niya kay Anton dahil sa mga sinabi ni Vice sa kaibigan.
Kunsabagay, sa husay ni Anton that night dapat lang na mas nag-level up ang paghanga sa kanya ng mga tao.
Nagkatinginan na lang kami ng ilang kasamahang manunulat na naimbitahan to cover the event habang nakikinig sa tsikahan sa papalabas na audience.
Tsika nu’ng isang blogger sa amin, ang hayop bihisan mo man ng maganda at mamahalin, hayop pa rin.
Say naman ng mataray at sosyalera naming kasamahan sa panulat, “Oh, well, you cannot really buy breeding.” Ganern!
Comments are closed.