(Kahit ECQ) OPERASYON NG MGA BANGKO TULOY PA RIN

BSP

MAGPAPATULOY ang operasyon ng mga bangko sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula kahapon, Agosto 6, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Gayunman, sinabi ng central bank na dapat magpatupad ang mga bangko ng kinakailangang protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas will closely coordinate with the banking industry to ensure continuous delivery of banking services during the enhanced community quarantine from 06 to 20 August 2021,” pahayag ng BSP.

Samantala, ang head office ng central bank sa Manila at ang security plant complex nito sa Quezon City ay patuloy na mag-ooperate na may skeleton workforce para sa “mission-critical” departments at support units ngunit pinaikli ang work hours sa alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ilang bangko na rin ang nag-anunsiyo na iiklian nila ang banking hours sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ bilang pagsunod sa health restrictions.

Ang Metro Manila ay muling isinailalim sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng banta ng Delta variant ng CO­VID-19.

4 thoughts on “(Kahit ECQ) OPERASYON NG MGA BANGKO TULOY PA RIN”

Comments are closed.