MAGANDANG balita po para sa ating magigiting na medical frontliners. Kahit nag-expire na ang bisa ng Bayanihan 2 nitong Hunyo 30 ay tuloy-tuloy lang po ang pagpapatupad ng mahahalagang probisyon ng batas na kumakalinga sa inyo. Hindi ito matatapos hangga’t tayo ay nasa pandemya.
Hangga’t hindi binabaklas ni Pangulong Duterte ang deklarasyon ng national emergency na may kaugnayan sa pandemya, mananatili ang mga Bayanihan provision para sa medical frontliners, gayundin ang kanilang mga benepisyo.
Partikular na tinutukoy na benepisyo ang tulong pinansiyal sa ating healthworkers, tulad ng P15,000 kung sila ay magkakaroon ng mild COVID habang nasa aktibong serbisyo; P100,000 sa kritikal na kondisyon; at P1M naman ang matatanggap ng kanilang immediate family kung sila ay papanaw sa sakit na COVID, habang nasa active duty. Maging ang kanilang magagastos sa pagpapagamot laban sa COVID ay sagot din ng gobyerno, kaakibat pa ang life insurance, accommodation, transportation, meal at special risk allowances.
Bukod sa healthworkers, tuloy-tuloy rin ang pagpapatupad ng benepisyo tulad ng suspensiyon ng permitting requirements; agrar-ian reform clients; at suporta sa transportation sector na talaga namang hinambalos at patuloy na hinahambalos ng pandemya.
Mahalagang panatilihin muna ang suspensiyon ng permit requirements sa mga flagship project ng gobyerno o iyong mga malalaking proyekto nito sa ilalim ng Build Build Build, upang magtuloy-tuloy ang daloy ng programa. Ipatutupad din ito sa licenses, clearances at registration requirements at magpapatuloy hanggang sa Setyembre ng taong kasalukuyan.
Suspendido rin ang permitting requirements maging sa konstruksiyon ng telco infrastructures dahil sa panahong ito, mas kinakailangan ang maayos na serbisyo ng internet. ‘Di nga ba’t hindi pa naman talaga pinapayagan ang malakihang pagpupulong o gatherings? Mas mainam pa rin na mag-usap o mag-meeting via internet kaya napaka-importante na may maayos tayong serbisyo sa information and technology.
At para sa transportation sector, dahil walang magaganap na phaseout sa mga jeepney, tuloy ang kita at pasada ng mga kapatid nating drivers. Tinitiyak natin ‘yan dahil nakasaad mismo iyan sa mga probisyong nilalaman ng Bayanihan 2.
Maging ang agrarian reform benefits ay mananatili dahil na rin sa malaking epekto ng pandemya sa sektor ng sakahan.
Kaugnay sa mga katanungan hinggil sa kung paano nagamit ang mga pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, hinihintay pa natin ang kumpletong report ng Department of Budget and Management (DBM) na siyang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya. Ang report ay binigyan natin ng taning hanggang ngayong ika-15 na lamang ng Hulyo.
Patungkol naman sa loan assistance para sa ating MSMEs, posibleng hindi lahat ay impormado sa loan window accounts para sa kanila sa ilalim ng Department of Trade and Industry. At ang maganda rito, hindi rin kasamang nag-expire ng Bayanihan 2 ang loan windows ng Development Bank of the Philippines at ng Land Bank of the Philippines na maaari pa ring lapitan ng ating maliliit na negosyante.
814114 869159I really like meeting utile information, this post has got me even far more information! . 328184
Hello, i feel that i saw you visited my weblog thus i came to ?return the prefer?.I am attempting to to find issues to enhance my site!I suppose its good enough to make use of some of your concepts!!