KAHIT GIPIT SA NAT’L BUDGET, DAPAT PRAYORIDAD PA RIN ANG LABAN SA COVID-19

DALAWANG magkasunod na taunang national budget na ang ipinokus natin sa COVID response. At sa susunod na taon (2022), sa kabila na may kaliitang pondo na P5 trilyon, nararapat lang na muli nating iprayoridad ang pagresolba sa mga problemang dala ng pandemya.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance na siyang pangunahing komite na didinig sa pambansang budget, napansin natin, gayundin ng ating mga kasamahan sa Senado, na sa nakaraang budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), hindi nakatuon sa COVID response ang proposed national budget.

Nakita natin base sa isinumiteng panukalang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) na walang kaukulang pondo para sa contact tracing, walang pondo para sa testing outside of booster shot, walang pondo para sa testing ng mga batang may edad 12-17, wala pa ring pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) na nakalaan sa ating health workers na nakatutok sa COVID patients.

Napagkasunduan natin kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na itong COVID pandemic pa rin ang dapat na pokus ng pondo sa 2022. Ito pa rin dapat ang pangunahing prayoridad dahil hanggang ngayon, hindi naman natin kinakikitaan ng malakasang pagbaba sa number of cases.

Kahapon kasi, dininig ng ating komite ang budget proposal ng DILG na P190.3 bilyon para sa susunod na taon. Ang nakalulungkot, halos P1B ang tinapyas ng DBM sa kanilang pondo mula 2021. Ngayong taon kasi, may budget allocation ang DILG na P191.38B at malaking bahagi nito ay inilaan sa COVID response.

Siguro, pinakamaganda nating gawin dahil tight budget nga tayo sa susunod na taon, mag-extra ingat tayo sa kalusugan natin at sa kalusugan ng mga mahal natin sa buhay. At siguro, kumilos na rin tayo, magtrabaho, gamitin ang lahat ng talento para makasabay sa pandemya, pero alalahanin pa rin natin ang matinding pag-iingat.

Sa nasabing pagdinig kahapon, ipinaalala natin sa DILG na noong nakaraang taon, nagawang dagdagan ng ating komite, sa pakikipagtulungan ng ating mga kasamahang senador na sina Senators Bato, Win Gatchalian at Nancy Binay ng hanggang P3 bilyon ang kanilang budget. At dahil 85 porsiyento ng DILG family budget ay napupunta sa personnel services, ikokonsidera natin sa Senado ang pagbili ng mas maraming body cameras, police cars, mga dagdag na fire stations at marami pang iba.

Pakiusap lang natin sa ating local government department, sana magtiwala lang po tayo sa ating mga mambabatas dahil dadaan din po tayo sa mahirap na pagdedesisyon at pag-aaral sa pambansang pondo.

5 thoughts on “KAHIT GIPIT SA NAT’L BUDGET, DAPAT PRAYORIDAD PA RIN ANG LABAN SA COVID-19”

  1. 608612 13579We give you with a table of all of the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may well take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 159237

  2. 606788 66937When I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any approach youll be able to remove me from that service? Thanks! 822086

Leave a Reply

Your email address will not be published.