SINIMULAN na ng pamahalang munisipal ng Pateros ang pagtanggap ng forms ng pagpaparehistro para sa baksinasyon ng mga indibidwal na galing sa ibang local government units (LGUs) sa Metro Manila.
Kamakailan lamang ay inilunsad ng munisipal na pamahalaan ang QR code-based registration kung saan ang mga hindi residente ng munisipalidad ay makakapag-scan dito para makapag-apply sa vaccination slot sa Pateros.
Sinabi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III sa kanyang Facebook page na matapos makamit ang herd immunity ng unang dose ng pagbabakuna sa munisipalidad, nagsimula na silang tumanggap ng mga taong hindi pa nababakunahan galing sa ibang lungsod sa National Capital Region (NCR).
“We vax as one in NCR. After reaching the herd immunity for the first dose in Pateros and in our aim to help other nearby towns or cities, we will start accepting people for vaccination from cities in the National Capital Region,” anang alkalde.
Bagaman tumatanggap na sila ng mga hindi pa bakunado sa ibang lungsod sa NCR ay prayoridad pa rin nila ang pagbibigay ng ikalawang dose ng bakuna sa mga residente ng munisipalidad.
Sa form ng QR code-based vaccination ay pinapayuhan ang mga non-Pateros residents na sumunod sa pamantayan bago magtungo sa vaccination sites sa munisipalidad.
Sa mga senior citizen na napapailalim sa A2 priority group, kailangan lamang ng mga ito na magdala ng isang government ID na nagpapakita ng kanilang araw ng kapanganakan.
Para sa mga napapabilang sa A3 category o persons with comorbidities ay kailangang kumuha ng doctor’s prescription ng kanilang iniinom na gamot na pang-maintenance at kung may hika naman ay kailangan din na magpakita ng doctor’s certificate na mayroong license number na nagpapatunay ng kanilang medical na kondisyon.
Para naman sa mga indibidwal na nakapailalim sa A4 priority group o mga essential workers, kailangan ng mga ito na magpakita ng ID at certification na galing sa department head ng kanilang pinagtatrabahuhan at magdala ng ballpen, face shield at face mask.
Ipinaliwanag din na kung saan vaccination sites naipagkaloob ang unang dose ng bakuna ay duon din matatanggap ang kanilang ikalwang dose ng bakuna.
Nakamit ng Pateros ang kanilang target population na 80 porsiyento ng mga nakatanggap ng unang bakuna kung saan 56,000 indibidwal ang nabakunahan sa kabuuang populasyon ng munisipalidad na 70,000. MARIVIC FERNANDEZ
658971 461611A thoughtful insight and concepts I will use on my internet site. Youve naturally spent some time on this. Congratulations! 752192
838292 646974Hello! I just wish to give a huge thumbs up for the excellent information youve gotten appropriate here on this post. I will likely be coming back to your weblog for more soon. 972802
273796 910404Hello there, just became alert to your blog through Google, and located that it is actually informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate should you continue this in future. A lot of individuals is going to be benefited from your writing. Cheers! 480214
679283 297792I enjoy your writing type, do maintain on writing! Ill be back! 494839
466059 227284I would like to see a lot more posts like this!.. Great weblog btw! reis Subscribed.. 96732
891897 217794I always go to your weblog and retrieve everything you post here but I never commented but today when I saw this post, I couldnt stop myself from commenting here. Amazing post mate! 633369