TINIYAK ng Malakanyang na tuloy ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga mahihirap na pamilya kahit mapaso na ang Bayanihan Act ngayong buwan.
Ito ang siniguro ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung saan sa darating na Hunyo 25 na mag-e-expire ang Bayanihan to Heal as One Act.
Aniya, hindi maaapektuhan ang ikalawang bugso ng ayudang pinansiyal na ipamimigay sa ilalim ng SAP program ng pamahalaan.
Matatandaan, sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng cash aid na nagka-kahalaga ng P5,000 hanggang 8,000 alinsunod sa minimum wage rates sa mga rehiyon.
Nabatid na sa ikalawang bugso nito, dinagdagan ng limang milyong benepisyaryo ang listahan ng mga makakatanggap.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bineberipika pa nila ang listahan ng karagdagang limang milyong benepisyaryo.
Comments are closed.