KAHIT MAY BAGYO, RED TIDE NANALASA

redtide

MULI na namang nanalasa ang nakalalasong red tide sa iba’t ibang panig ng bansa.

Base sa huling laboratory results ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at mga local government units (LGUs), kontaminado ang mga lamandagat na nahuhuli sa baybayin ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay and Samal); Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City, Palawan; baybayin ng Milagros sa Masbate; Dauis at  Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; baybayin ng Daram Island, Zumarraga, at Irong-irong at San Pedro Bay sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at baybayin ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Ang nasabing mga lugar ay positibo sa nakalulumpong lasong pandagat na lampas sa regulatory limit.

Kontaminado rin ang mga baybayin ng Honda Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Maqueda at  Villareal Bays sa Western Samar; at Carigara Bay sa Leyte.

Lahat ng klase ng lamandagat na mahuhuli sa mga naturang lugar ay kontaminado ng red tide, lalo na ang alamang. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.