THE data will not lie!
Ito ang iginiit ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na kung saan patuloy ang pagbaba ng crime rate mula 2020 hanggang 2021 dahil sa restriction bunga ng COVID-19 pandemic subalit, nananatiling pro-active at katunayan ang pagbaba ng 36% na crime rate mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
“Totoo na may naitatala tayong insidente pero kung overall ang rate ang titingnan natin ay naroon pa rin the data will not lie, the record will stay na from January to July 2022 ay nakapagtala nga po tayo na decrease na 36% for total crime incident but meron tayo mga insidente na crime against person ‘yung mga particulary theft,” ayon kay Fajardo.
Binigyang diin nito, ang mga kasong naitatala against person ay dahil lumuwag na ang galawan ng publiko at wala nang masyadong restrictions, wala na ring quarantine, at nakapagbigay ng oportunidad sa mga kriminal para makagawa ng unlawful activities.
Bagaman, may pagbaba ng krimen, tiniyak din ng PNP na mas maigting ang kanilang pagbabantay lalo na ang kanilang anti-illegal drug operations para magtuloy-tuloy ang pagbaba ng antas ng krimen.
Aniya, kahit naitala ang mga malalagim na kaso ng pagpatay sa Bulacan, Isabela at ang pinakahuli ay pagdukot sa isang lalaki sa batangas hanggang matagpuang patay sa Quezon.
“Tama po kayo may mga nai-report na may mga babae po na nawala at iba po ay natagpuang patay doon sa Bulacan, Isabela, lahat pong ‘iyan ay na-solve ng PNP at ang motibo sa pagkuha ay personal, ‘yung iba ay pagnanakaw, ‘yung iba ay may kahalayang ginawa at dahil report na iyan nagbigay ng instruction ang ating Chief PNP, Gen. Rodolfo Azurin Jr, sa ating mga commanders na paigtingin po ang ‘yung Enhanced Managing Police Operations para ma-sustain po ang ‘yung ating police visibility doon sa mga areas kung saan naitala po ang itong ganitong mga insidente,” bahagi ng pahayag ni Fajardo. EUNICE CELARIO