SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ang ahensiya ng P5.9 bilyon noong nakaraang taong 2020.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang kinita nila noong nakaraang taon mula sa immigration fees ay P5.88 bilyon , 36.1 % na mas mababa kumpara sa P9.3 bilyon noong taon 2019.
“We anticipated our revenues to decrease due to the pandemic. With more foreign nationals going out of the country than going in, we were able to collect less revenue from visa applications,” anang Commissioner.
Ipinaliwanag ni Morente na ang mga transaksiyon ay sinuspinde ng halos dalawang buwan dahil sa lockdown noong Marso ng nakaraang taon.
Subalit, umaasa si Morente na ang kanilang koleksiyon ay makakabawi ngayon taon habang hinihinatay ang COVID-19 vaccine at kung tatangalin na ang travel restrictions. PAUL ROLDAN
Comments are closed.