TINIYAK kahapon na National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ligtas lahat ang 82 members ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) to Türkiye kasunod ng panibagong magnitude 6.3 at 5.8 earthquake na tumama sa border ng Turkey at Syria na ikinamatay agad ng limang tao at ikinasugat ng may 200 iba pa.
Ayon kay Diego Mariano Agustin, NDRRMC –Office of Civil Defense Information Office chief , base sa kanilang huling komunikasyon sa pamunuan ng 82 man PIAHC ligtas ang lahat ng Pilipinong tumutulong sa gobyerno ng Turkiye kasunod naganap na Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa bansa noong Pebrero 6 na kumitil ng 47,000 katao kabilang ang ilang Pilipino.
Sa huling impormasyon kasunod ng panibagong lindol na yumanig sa Turkiye ay tuloy pa rin ang nakatakdang pagpapauwi sa mga Pinoy Rescuer sa darating na ika-24 ng Pebrero.
‘Instruction to demobilize on the 24th remains, our team is in good and safe condition as well as our facilities such as the field hospital and base camp, communication is uninterrupted and we are still in contact with the team,” ani OCD-NDRRMC information Office Diego Mariano Agustin.
Sa inisyal na ulat kasunod ng magnitude 6.3 earthquake na tumama sa Turkey-Syria border region, lima ang agad na inulat na nasawi kasunod ng lindol na yumanig bandang alas-8:04 kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Defne sa lalawigan ng Hatay na sinundan ng 5.8 magnitude quake.
Nabatid na tuloy tuloy na ang ginagawang paghahanda ng Philippine Urban Search and Rescue (USAR) team sa kanilang pag uwi sa Pilipinas matapos ang dalawang linggong pagtulong sa pagliligtas sa mga biktima ng lindol sa Lungsod ng Adiyaman sa Turkey,
Ayon sa doktor ng Urban Search and Rescue Team na si Dr. Ted Esguerra, oras na para umalis sila sa nasabing bansa makaraang ideklara nang gobyerno ng nasabing bansa na nag shift na sila sa Search and Retrieval operation sa paniniwalang walang nang makikita pang buhay sa ilalim ng mga gumuhong gusali.
Gayunpaman, ang Philippine medics naman ay nagpapatuloy sa kanilang trabaho na bigyan ng paunang lunas ang kanilang nasasagip sa nasabing lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
“I would like to thank the men and women of the Department of Health, Philippine Army, Philippine Air Force, Metro Manila Development Authority, and Subic Bay Metropolitan Authority for answering the call for help of Turkiye by deploying personnel despite the risks and harsh weather conditions that they may encounter, and providing the team the assistance needed to accomplish their mission,” pahayag ni Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno,
“We can’t wait for their homecoming as we welcome our contingent back and recognize the heroic deeds they have accomplished. They’ve raised the Philippine flag overseas and shown to the international community that the Philippines can go side by side with other countries, in terms of providing humanitarian assistance at an internationally recognized standard,” dagdag pa ni Nepomuceno.
Samantala, nagpasalamat si Türkiye Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol sa tulong na ibinigay ng Pilipinas para sa mga biktima ng killer earthquake sa kanilang bansa at sa karatig bansang Syria. VERLIN RUIZ