KAHIT MAY TRAVEL BAN, OFWs PWEDENG UMUWI

Labor Secretary Silvestre Bello III-a

BAGAMAN nagpatupad na ng travel ban, sinabi ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na papayagan pa rin umuwi ng bansa ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Subalit, kailangan pa ring sumailalim ang mga ito sa 14-day quarantine kahit mag-negative ang mga ito sa swab test.

“They will be allowed to come home pero they have to be subjected to the 14-day quarantine. Kahit na pagdating nila, na-swab sila, negative sila, they still have to undergo the 14-day quarantine,” saad ni Bello.

“You can come home for the holidays, for the New Year, upon the strict order of our President,” dagdag pa nito.

Nauna nang iniulat na may bagong strain ng COVID-19 na nanggaling sa United Kingdom na mas delikado at nakakahawa ito.

Dahil dito, ipinatupad ni Health Secretary Francisco Duque ang travel ban sa mula 20 na bansa na nagkaroon ng kaso ng bagong COVID-19 strain upang maiwasan na ang pagkalat ng virus sa bansa. LIZA SORIANO

Comments are closed.