KAHIT NA ANONG BAKUNA LABAN SA COVID-19, BASTA MABISA

TUMAAS na muli ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang ating pamahalaan, kasama na ang mga LGU ay gumagawa na ng aksiyon upang mahinto ang paglala sa sitwasyon.

May mga ibang lungsod na nagpatupad na ng curfew mula alas dies ng gabi hanggang alas singko ng umaga. May ang mga piling establisimeynto rin ang pansamantalang ipinatigil ang opersayon na maaring maging sanhi ng pagkalat ng nasabing sakit. Nagpatupad na rin ang mga ilang siyudad ng liquor ban upang maiwasan ang pagtitipon ng mga iba nating kababayan.

Maaring may mga karagdagang kautusan na lalabas sa mga susunod na araw mula sa LGU upang mapigil ang paghawa ng COVID-19.

Bagama’t dumating na ang mga bakuna laban sa COVID-19, hindi pa sapat ito upang mabakunahan ang karamihan sa atin. Ilang pharmaceutical companies ang may bakuna laban sa nasabing sakit. Ang unang dumating ay ang Sinovac mula sa China. Sumunod ang AstraZeneca. Meron din ang Johnson and Johnson, BioNtech ng Pfizer, Moderna, Novavax, at may mga iba pang susunod na pharmaceutical companies na kasalukuyang gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19.

Mukhang puspuspan ang pananaliksik at eksperimento na ginagawa ng mga nasabing kompanya upang makahanap ng lunas laban sa COVID-19. Marami na ang mapagpipilian sa kasalukuyan.

Sa Amerika, nanguna na sila sa bakuna laban sa COVID-19, samantalang tayo ay medyo nahuhuli sa laban na ito. Marahil maganda rin na medyo huli tayo rito dahil, malalaman natin nang husto ang mga tinatawag na side-effects ng mga bakunang ito. Masusuri natin kung ano ang pinakamabisa sa lahat ng mga klase ng bakuna.

Sa Singapore, na isa sa pinakamayaman na bansa sa ASEAN, nagunguna sila sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Subali’t iisa lang ang pamantayan nila. Ayon sa kanilang Prime Minister na si Lee Hsien Loong bukas silang bumili ng bakuna kahit saan, basta’t ligtas at epektibo ang mga ito.

Ayon kay Lee, ang mga bakuna ay hindi nagdadala ng nasyonalidad. Mabuti ba o hindi ito mabuti? Gumagana ba ito? Kung mabisa ito, gagamitin nila ito.

One thought on “KAHIT NA ANONG BAKUNA LABAN SA COVID-19, BASTA MABISA”

  1. First of all, thank you for your post. slotsite Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^

Comments are closed.