PAPAYAGAN ni Immigration Commissioner Jaime Morente na makalabas ng bansa ang mga US citizen na may expired passport.
Alinsunod ito sa kahilingan ng US Embassy at sa bisa ng isang memorandum order ni Morente kamakailan bilang pagsang-ayon na payagan makalabas sa bansa ang mga US citizen gamit ang kanilang expired passport na inabot ng pandemya.
Kasabay nito, inutusan ni Morente ang tourist visa section at ang Alien registration division, na i-process ang immigration clearance certificates (ECC) ng mga ito sa sandaling maipakita kanilang confirmed ticket patungong Amerika.
Ang letter request ng US Embassy ay ipinadala kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na naglalayong tulungan ang kanilang mga kababayan na payagan makalabas gamit ang mga expired passport.
Ayon pa kay Morente ang kanyang memo ay para lamang sa US citizen na gustong umuwi sa kanilang mga lugar ngunit ang mga nagnanais na manatili sa bansa, kinakailangan mag-presinta ng valid passport.
Sa kasalukuyang ang State Department at ang Department of Homeland Security ay nakikipag-ugnayan sa ibat-ibang commercial airlines upang makasakay ang mga may hawak na expired passport para makauwi sa Amerika sa lalong madaling panahon. FROILAN MORALLOS
958620 538345We give you with a table of all the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 659040