(Kahit nagkabati na) MAXINE MEDINA NAGPARUNGGIT KAY KYLIE VERSOZA

KAHIT nagbigay na ng kani-kanilang bersyon ang beauty queens na sina Kylie reflectionVersoza at Maxine Medina tungkol sa ‘pagdura’ isyu, may mga nagdududa na ‘di pa rin sila okey.

In fairness kay Kylie, paulit-ulit naman na siyang nag-sorry kay Maxine. Habang si Maxine naman ay nagpahaging na lang na sa susunod na may kaeksena siya, kailangan mag-usap muna sila.

“Pero kung may mang­yaring ‘di kanais-nais, e, kaya nating mag-sorry da­lawa,” diin ni Maxine.

Samantala, ‘di maiiwasan na ipagtanggol ni Jake Cuenca, na isa sa limang bidang lalaki ng “Los Bastardos,” ang kanyang girlfriend na si Kylie when asked about his side sa isyu nila ni Maxine.

Pero esplika naman ni Jake, dapat daw talaga pinag-uusapan muna ng mga artistang magka-eksena ang mga gagawin nila bago ang actual take. Kaya lang may mga pagkakataon talaga na may mga aksidente o insidenteng nangyayari na wala sa usapan pero nangyayari ng ‘di sinasadya.

This week ay matatapos na ang “Los Bastardos.” Anyway, mukhang after ng “Los Bastardos” ay mauwi na sa kasalan ang relasyon nina Jake at Kylie. Seryosohan na kasi ang datingan ni Jake nga­yon pagdating sa pakikipagrelasyon. After all, he’s not getting any younger.

MGA ANAK NA WALANG TATAY NAGKITA-KITA SA ‘MAGANDANG BUHAY’

KAPANSIN-PANSIN on TV ang hitsura ng da­ting “sidekick” ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Pepe Herrera sa guesting niya sa “Magandang Buhay” noong Lunes.

Humpak na humpak ang kanyang mga pisngi at halos lumuwa na sa laki ang kanyang mga mata. Ewan kung overwork ba siya dahil ang dami-dami niyang projects at mukhang kulang na kulang siya sa tulog at pagkain.

Para tuloy siyang maysakit sa kanyang hitsura sa TV. Hindi kaya may sakit si Pepe? Or, huwag naman sanang pagdudahan si Pepe na may bisyo siya na ‘di kanais-nais.

Isa sa guests si Pepe sa show nina Jolina Magda­ngal, Karla Estrada at Melai Cantiveros dahil ang topic ay tungkol sa pagiging anak na lumaking walang tatay. Bastardo, ika nga.

Bukod kay Pepe, guest din sa “Magandang Buhay” si Maja Salvador na aware naman ang marami kung ano ang kwento ng kanyang buhay at ng yumao niyang ama na si Ross Salvador.

Habang naka-relate rin ang isa sa hosts ng “Magandang Buhay” na si Karla tungkol sa topic sa episode last Monday.

Matanda na rin pala si Karla nu’ng nakilala niya ang kanyang ama na isang Amerikano. Na ngayon ay pinamanahan pa si Karla ng bahay at lupa sa US, huh?

This is the reason kaya madalas kapag wala si Karla sa “Magandang Buhay” at nagpupunta ng Amerika. May mga inaayos siyang properties sa US and at the same time, nakiki-bond na rin sa mga anak ng tatay niyang Amerikano.