(Kahit nagwakas na ang Martial law) STATE OF EMERGENCY PA RIN SA MINDANAO

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO – PATULOY na naka­alerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP)  laban sa mga lawless violence sa buong Min­danao kahit nagwakas na ang pinaiiral na martial law sa nasabing rehiyon.

Umabot din ng dalawang taon at pitong buwan ang batas-militar sa rehiyon na ipinatupad makaraan ang Marawi siege noong Mayo 23, 2017.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo nanatili pa rin ang Proclamation 55 o ang state of emergency na idineklara noong 2016 ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Davao City.

Layon ng deklaras­yon na mapigilan ang anumang lawless violence sa Mindanao.

Pahayag ni Arevalo, magde-deploy pa rin ng mga sundalo sa Min­danao para mapigilan ang anumang mga planong karahasan at ilan pang panig ng bansa.

Samantala, sa panig ng  Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen  Bernard Banac na  tinitiyak nilang palagi  pa rin silang handa sa pag­responde sa anumang krimen o emergency situation kahit wala nang umiiral na martial law sa Mindanao.

Pinuri at nagpaabot naman ng pasasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga sundalo at pulis dahil sa propesyunal at maayos na pagpapatupad ng martial law sa Mindanao. REA SARMIENTO

Comments are closed.