Kahit nahatulan ng reclusion perpetua: Grupo nina Cedric Lee, Deniece Cornejo aapela

Patutunayan umano ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na hindi patas ang naging hatol sa kanila kaya aapela sila sa Korte Suprema.

Ngunit lalo namang hindi papayag si Vhong Navarro na makaligtas sila matapos ang sampung taong legal battle na nagsimula noon pang 2014 at atapos lamang nitong May 2, 2024

Matatandaang nauwi ang simpleng pagkikita nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo sa isang matinding legal battle na kinaharap nila sa loob ng sampung taon matapos ireklamo ni Navarro na piniringan, ginapos, binusalan ang bibig, at binugbog siya sa loob ng condominium unit ni Deniece ng grupo nina Cedric Lee, Bernice Lee, Simeon “Zimmer” Palma Raz Jr., Jose Paolo “JP” Calma, Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh, at Ferdinand Guerrero.

May kontra-reklamo naman si Deniece na ginahasa siya ni Vhong at nakaligtas lamang sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Nakasuhan ang grupo nina Cedric at Deniece ng serious illegal detention at grave coercion noong 2014 at noong May 27, 2018 ay muling nahatulan ng guilty sa kasong grave coercion.

Nitong May 2, 2024, guilty uli ang hatol sa kasong serious illegal detention for ransom sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz, at Ferdinand Guerrero, na may parusang reclusion perpetua.

Natural lamang na magkaiba ng bersyon sina Cornejo at Navarro sa naganap noong gabi ng January 22, sa Forbeswood Heights Condominium, Taguig City.

Una umanong nagkita sina Navarro at Cornejo noong 2011 sa product launch ng isang kilalang shoe branch sa Glorietta.

Kinulit umano ni Vhong si Deniece sa Viber at Facebook hanggang pumayag siyang makipagkita noong January 22, 2014.

Ayon naman kay Vhong, may namagitan sa kanila ni Deniece noong gabi ng January 17 ngunit hindi all-the-way.

Umalis raw siya bandang 1:30 a.m. ng January 18, 2014 pero tinawagan siya ni Deniece dakong 2:35 a.m., nakatanggap daw si Vhong ng tawag sa telepono mula kay Deniece at tinawag pa siya nitong “Sweetie.” si Vhong at malambing na nangungulit na magkita silang muli.

Nagkita raw sila dakong 10:45 p.m. ng January 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City. Galing si Vhong sa isang restaurant sa The Fort, Taguig City at may dala pang take-out food para sa dalaga.

Base sa instruction ni Deniece, diretsong nagtungo si Vhong sa unit nito sa second floor ng Forbeswood Heights Condominium. Sabay umano silang pumasok sa unit ng dalaga pero lumabas uli si Deniece.

May lumabas umanong dalawang lalaki mula sa kuwarto ni Deniece at tinutukan siya ng baril, piniringan, ginapos, pinagsusuntok, at pinagsisipa.

May dumating pa umanong ibang kalalakihan na tumulong sa paggulpi kay Vhong. Hinubad ng mga ito ang pantalon at brief ni Vhong at kinunan ng video ang maselang bahagi ng kanyang katawan

Habang nakatutok ang baril pilit pinasasabi sa kanya sa harap ng camera ang mga katagang, “Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko.”

Pinagbantaan din umano siyang papatayin siya at ang kanyang pamilya. Pilit din umanong pinagbabayad si Vhong ng malaking halaga “para sa damage ko raw kay Deniece.”

Ayon naman kay Deniece, pinapunta niya si Vhong sa kanyang condo unit noong January 22 dahil darating ang iba pa niyang kaibigan.

Ngunit bago umano dumating ang mga kaibigan niya ay pwersahan siyang dinala sa kanyang kwarto. Nanlaban umano siya ngunit napagsamantalahan pa rin siya ni Vhong. Pumunta umano siya sa kaibigan niyang babae at dinala umano nila si Vhong sa presinto, upang ipa-blotter ang panghahalay na ginawa nito sa kanya.

Gayunman, na-confibe si Vhong sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, at sumailalim sa therapy matapos siyang ma-diagnose ng pagkakaroon ng Post Traumatic Stress Disorder (PSTD).

Itinanggi naman ni Cedric na tinangka niyang pagkakuwartahan si Vhong dahil ang hinihingi niyang PHP1 million ay danyos para sa mga nasirang kagamitan sa condo ni Deniece.

Noong January 28, nagsdampa si Vhong sa DOJ ng kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Sabi ni Atty. Mallonga, ang legal counsel ni Vhong: “The fact of the matter is that Vhong Navarro was illegally detained.

Nagkontra-demanda naman si Deniece noongf January 29 sa Taguig Prosecutor’s Office at ang kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja.

Iprinisinta ng NBI ang CCTV footage sa Forbeswood Heights Condominium noong gabi ng January 22 kung saan eksaktong 10:38 p.m. dumating sa lobby ng condo si Vhong hanggang sa pagsakay niya ng elevator patungong second floor kung saan naroon ang condo unit ni Deniece.

Tatlong minuto ang lumipas, eksaktong 10:41 p.m. dumating sa lobby ng condo si Cedric. Sa pagitan ng 10:38 p.m. hanggang 11:14 p.m.—o sa loob ng 36 minutes—namataan si Deniece kasama ang grupo ni Cedric at kapatid nitong si Berniece hanggang sa dalhin nila ang nakagapos na si Vhong palabas ng condo.

Ayon sa NBI, lumabas ng condo ang nakagapos na si Vhong kasama sina Cedric, Deniece, Bernice, at limang kalalakihan.

Makukulong ang nasabing grupo sa hatol na habambuhay na pagkabilanggo, ngunit hindi pa rin sila sdumusuko. Iaapela rasw nila ito sa korte. Kung ano man ang kalalabasan ng labang ito, abangan na lang natin. NLVN