CAVITE – MARAMI pa rin ang mga gustong makapasok sa Philippine National Police Academy (PNPA) kahit umano’y may insidente ng hazing sa akademiya.
Ayon kay PNPA Director Brig Gen Chiquito Malayo umabot ng mahigit 22,000 ang mga nagsumite ng aplikasyon online para makapasok sa PNPA.
Itinuturing aniya nila itong major breakthrough dahil mas mataas ito ng 54 porsiyento kung ikukumpara sa mahigit 2000 lamang na aplikante noong isang taon.
Noong Hulyo 1, nagsimula ang online application at natapos nitong Setyembre 30.
Batay sa ulat na 22,000 applicants ang kukuha ng PNPA cadet admission test sa Linggo sa 31 examination centers sa buong bansa. REA SARMIENTO