LUMALABAS sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na matagumpay itong nakakolekta P12.441 bilyon tax sa kabila ng pagpapatupad ng tax amnesty, lockdown at matinding epekto sa ekonomiya ng sakit na COVID-19.
Sa kabila ng pagkalugmok ng pamahalaang lungsod ay ipinagmalaki ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kaniyang ikalawang State of the City address (SOCA) na unti-unti nang nakababangon ang lungsod sa pagkabangkarote tulad na lamang ng pagkakakolekta ng City Treasurer’s Office sa nasabing halaga ng tax.
Dagdag pa niya, lumalaki na rin ang tiwala ng Manilenyo sa lokal na pamahalaan dahil marami rin aniyang nagbukas na negosyo sa unang taon ng liderato ni Domagoso na aabot sa 8,665 ang naitalang bagong rehistradong businesses at 51,022 ang renewed businesses.
Binanggit din ni Domagoso sa kaniyang SOCA ang tagumpay ng unang taon ng kanyang administrasyon, kasama na rito ang mas mataas na revenue collections, dire-diretsong cleaning operations, pagtatayo ng malalaking infrastructure projects at social welfare programs.
Sa kabila nang nagaganap na krisis ay nalampasan ng administrasyon ng alkalde ang mga pagsubok at krisis na dala ng iba’t ibang kalamidad kasama na rito ang COVID-19 global pandemic.
Ayon sa alkalde, ang COVID-19 pandemic ay hindi lamang Battle of Manila kung hindi ay ang laban ng ating henerasyon at kung magtutulong-tulong ang lahat, at magkakaisa ay sama sama rin itong malalampasan.
Dinagdag din ng alkalde na tumaas ng P693 million ang kita ng lungsod kumpara sa revenue collections sa nakaraang administrasyon mula Hulyo 2018 hanggang Mayo 2019. PAUL ROLDAN
Comments are closed.